Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Sino ang tinutukoy ni Karen sa kaniyang tweet patungkol sa pagiging single na?

Naging palaisipan sa netizens kung sino ang pinatutungkulan ang naging tweet ni Karen Bordador


Matapos ang ilang linggong pananatili sa bahay ni kuya ay lumabas na si Karen Bordador matapos na makakuha ng mababang boto mula sa taongbayan.

Ilang linggo nga ring nanatili sa bahay ni kuya ang ms. brightside ng Makati kung saan napamahal sa kaniya ang ilan viewers ng PBB Kumunity.

Sa ginanap na 5th eviction ay kasabay na lumabas ni Karen si TJ dahil na rin sa double eviction na naganap matapos na makakuha nilang dalawa ng mababang boto.


At sa paglabas na ito ni Karen ay agad siyang tumungo sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ng ilang mga tweets niya, “Hello there outside!,” unang tweet niya. “OMG I did SO MANY versions of the wakeup call!!! Yung last recordings ko may Alexa Baby message. Huhuhuhu OMG tampo alexa baby ko? Gosh I hope she still feels my love!!! Awwww!!!!,” sunod na tweet naman niya.

Ang pinatutungkulan niya ay ang pagre record niya ng kaniyang mensahe bilang maging wakeup call ng kaniyang mga nakasama na nasa bahay pa ni Kuya.

Sa sumunod na tweet naman niya ay nagpasalamat na ito sa mga sumuporta sa kaniya o sa mga nagbibigay mensahe sa kaniya kahit pa hindi niya pa ito nababasa lahat.

“It will take me some time time grasp what just happened to me inside the house of kuya! But Hi there!!! Thank you in advance even though I haven’t read everything yet!!!,” tweet niya.

Ngunit naging palaisipan ang sumunod na tweet ni Karen dahil hinuhulaan ng netizens kung sino nga ba ang pinatutungkulan niya sa kaniyang tweet.

“Yung sinabi mo sa mundo na taken ka…..tapos pag labas sa bahay ni kuya single ka na pala,” tweet ni Karen na nagbigay palaisipan sa netizens.

Ani ng iba ay maaaring si TJ ang pinatutungkulan niya lalo pa’t naging kontrobersiyal ang tweet ng girlfriend nito na tila ba tinatapos na ang relasyon nilang dalawa.

May iba naman ang siyang nagsasabing maaaring para ito kay Brenda na may boyfriend sa labas ngunit dahil tila sa pagiging malapit umano kay Eian ay baka magkahiwalay ito.

May iba naman na nagsasabing baka sarili rin niya ang pinatutungkulan niya at maaaring sa namumuong pagtitinginan nila ni Jordan ang nais patungkulan ni Karen.

Sino o ano kaya ang pinatutungkulan ni Karen sa tweet niyang ito?



Sino ang tinutukoy ni Karen sa kaniyang tweet patungkol sa pagiging single na?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments