Nakitang muli ng mga marites sina Paolo Contis at Yen Santos na magkasama sa isang mall habang magka akbay
Muling umingay sa social media ang pangalan nina Paolo Contis at Yen Santos matapos na ma-ispottan muli ng mga marites ang dalawa.
Sa isang panibagong mga litratong lumilitaw ngayon sa social media ay nakitang muli ng mga marites ang dalawa habang nasa mall sila.
Ani ng isang marites na kumuha ng litrato ay nakatitiyak siyang sina Yen Santos at Paolo Contis ang nakita niyang magka-akbay pa sa isang mall sa Makati.
Sa isa pang litrato na inilabas ng ‘Isyus’ ni Xian Gaza ay mababasa ang usapan ng dalawang marites na nakahuli sa dalawa na tila pinag-uusapan ng mga ito ang kanilang nakitang senaryo, bukod pa sa litratong magka-akbay sila ay lumitaw din ang isa pang litrato kung saan magkasama silang kumakain.

Tila nagbibiruan pa ang dalawang marites at sinasabing baka naman as a friend lamang ang kanilang akbayan, kagaya na lamang umano ng as a friend na pagpunta sa Baguio.
Matatandaang hindi lamang ito ang unang beses na naging usap-usapan ang mga litrato nila Paolo at Yen na nakikitang magkasama sa iisang lugar lamang.

Hiwalay na si Paolo Contis sa kaniyang asawang si LJ Reyes nitong mga nagdaang mga buwan lamang, kasabay nito ang paglitaw ng mga videos at litrato nilang dalawa ni Yen.
Una ay ang video nilang magkasama ni Yen na naglalakad patungong simabahan at litrato naman habang sila ay kumakain sa isang kainan sa Baguio rin.

Matapos ang mga pinag-usapang mga video at litrato nilang dalawa ay nilinaw ni Paolo na hindi si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ, bagkus ay kaibigan niya lamang si Yen na sinamahan ito sa Baguio.
Bukod pa sa panibagong mga litrato na ito ay nauna na ring tila nagpahiwatig ang dalawa na may namumuo ng relasyon sa kanila ayon sa netizens dahil na rin sa ilang mga parinig at litratong ibinabahagi nila sa kni-kanilang Instagram stories.

Ano sa palagay mo amg real score nina Paolo Contis at Yen Santos?
Spotted muli, Paolo Contis at Yen Santos magkasamang magka-akbay sa mall
Source: Babaero Balita

0 Comments