Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis sa mag-asawang Derek at Ellen: “Swak na swak ang relasyon nila”

Ani ng batikang showbiz columnist na si Lolit Solis ay masaya at swak na swak para sa isa’t-isa ang bagong kasal na sina Derek at Ellen


Tila swak na swak at masaya ang relasyon ngayon ng bagong kasal na sina Derek Ramsey at Ellen Adarna, ito ang siyang nasabi ni Lolit Solis sa kaniyang IG post.

At mukhang positibo ang kumento ni Lolit kina Derek at Ellen na na sinabi pang mukhang happy go lucky ang dalawa kaya naman walang problema sa kanila.

Sa kaniya ngang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit ang saloobin niyang ito sa mag-asawa na para sa kaniya ay swak na swak talaga ang dalawa.


“Mukhang swak na swak ang relasyon ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna, Salve. Parehong mukhang happy go lucky at mga what you see is what you get type kaya parang walang problema ang pagsasama,” pagsisimulang litanya ni Manay Lolit sa kaniyang post.

Sinabi pa ni Lolit na maaaring magiging cute umano ang magiging anak nilang dalawa dahil sa pagiging cool nilang parents sa kani-kaniyang mga anak.

“Maganda siguro magiging baby ng dalawa dahil mukhang maganda ang combination nila, at siguro mga cool parent sila dahil makikita mo how they treat their kids ngayon pa lang.

” Kahit siguro hindi domesticated type si Ellen, mukhang good mother siya sa anak na si Elias, at si Derek naman very close duon sa kanyang anak na lalaki,” ani Lolit.

Wini-wish ni manay Lolit na sana ay maging happy ang dalawa at maging forever na ang masayang pagsasama nina Derek at Ellen.

“For sure groovy ang situation ng dalawa sa buhay nila, dahil makikita mo ang spark hangga ngayon sa kanila. Happy na sana maging forever ang pagsasama nila.

“Dahil isa si Derek Ramsay sa mga mababait na artista na nakilala ko. Kaya pray ko na sana ito na ang forever ni Derek Ramsay. Ano sa palagay mo Salve at Gorgy, si Ellen Adarna na ba ang forever ni Derek Ramsay ? Sana nga, pray natin,” buong pahayag ni Lolit.

Matatandaang nitong Enero lamang ng binunyag nina Ellen at Derek ang kanilang relasyon na siyang pinag-usapan ng marami dahil na rin sa tila sanga-sangang relasyon na pinagmulan nila.

Nitong nakaraang buwan lamang ng tuluyan na nilang dinala sa altar ang kanilang pagmamahalan sa isang simple at romantic wedding nilang dalawa.



Lolit Solis sa mag-asawang Derek at Ellen: “Swak na swak ang relasyon nila”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments