Dahil sa tila nararamdamang marami na ang nagagalit sa kaniya, Eian Rances may paki-usap kay Alexa Ilacad
Nitong nagdaang linggo lamang ay naging usap-usapan ang tila naging pambabastos ni Eian Rances sa co-housemate niyang si Alexa Ilacad.
Napuno ng inis at galit ang netizens sa episode kung saan napanood ng lahat ang tila pagwu walk out ni Eian mula kay Alexa sa gitna ng kanilang usapan.
Sa pagsisimula ng kanilang pag-uusap ay sinabi ni Eian na ayaw niyang tinuturing siya ni Alexa na bata, samantalang nais lamang i comfort ni Alexa si Eian dahil sa pagiging down nito sa nagdaang linggo.
“Hindi ko alam kung kailan ka totoo, kailan hindi,” paratang ni Eian, “That is so offensive, tingin mo gumagawa ako ng love team?,” prangkang tanong naman ni Alexa. “Siguro” pakling sagot ni Eian, “So do you think ginagamit lang kita?,” diretsang tanong ni Alexa saka umalis si Eian kung saan naiwang hindi nakakapagpaliwanag si ALexa, “Sandali, ang bastos kausap.”

Hindi nga nagustuhan ng netizens ang naging asal na ito ni Eian kay Alexa kaakibat pa rito ang pagiging malapit niya kay Brenda na siyang tila mainit naman kay Alexa.
Sa nagdaang araw naman ay ginamit na ni Eian ang kaniyang power upang makaka-usap o makihalunilo sa outside world sa pamamagitan ng kumu, isang pribilehiyong nakuha niya noong kakapasok pa lamang niya sa bahay ni Kuya.
Sa pag i stream niya sa kaniyang kumu account ay kumanta siya para sa kaniyang mga fans kahit pa hindi nito nakikita ang mga kumento ng manood, ngunit ang mga username ng mga nagbibigay sa kaniya ng diamonds ay nakikita niya.
“NoToBabyShark, NoSharkZone, LayuanSiBrenda” ang ilan sa mga username na kaniyang nakita habang naka live siya, dahilan upang masabi niya ang, “I get the message EKIS fam,” ani Eian kung saan pinatutungkulan ang kagrupo niya sa Kumu.

Samantala trending at usap-usapan naman ngayon ang latest clips sa loob ng bahay kung saan tila nakiki-usap si Eian kay Alexa na mag guest sa kaniyang Kumu Live sa oras na makalabas silang lahat.
Habang nag-uusap sila ni Alexa ay naibahagi ni Eian na nakakatakot magbukas ng social media paglabas nila, kaya nasabi naman ni Alexa na baka raw nagalit ang fans ni Eian sa kaniya dahil sa nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya na agad sinalungat ni Eian.
“Baliktad Alexa, please mag guest ka sa unang live ko ha, kinakabahan talaga ako… parang awa mo na,” natatawa at pagmamaka-awa ni Eian kay Alexa.
Tila raw kinakabahan si Eian na maaaring marami na ang naiinis sa kaniya, samantala pumayag naman si Alexa sa hiling na ito ni Eian at sinabing kahit sa lahat ng live niya ay mag gi-guest siya.
Feeling ni E dami siyang bashers
WED BE HERE ALEIAN pic.twitter.com/SilYcJRorP
— ALEIAN Updates (@Alexa_Eian) December 8, 2021
Eian Rances nagsisi sa ginawa kay Alexa?, “Please Alexa…. Kinakabahan ako eh..”
Source: Babaero Balita

0 Comments