Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Viva nakipag-ayos na, Nadine Lustre mananatili sa agency hanggang 2029

Nagkasundo na ang kampo nina Nadine Lustre at Viva Talent Agency sa kanilang naging hidwaan


Nagka-ayos na nga ang talent agency na Viva Artists Agency sa nakasampahan ng kasong artist nito na si Nadine Lustre matapos ang ilang pag-uusap.

Matapos nga ang ilang masusing pag-uusap ng magkabilang kampo ay nahantong ang lahat sa pagkaka-ayos at nagkasundo sa bawat nais ng magkabilang kampo.

Sa inilabas na statement ng legal counsel ni Nadine Lustre ay nagkasundo na ang dalawa at mananatiling artist ng Viva si Nadine hanggang December 2029.


“Nadine and Viva Artists Agency have settled their legal issues under terms that are fair and mutually beneficial. Nadine and Viva have agreed to continue their professional relationship on an exclusive basis until 31 December 2029 with Nadine retaining her rights to decide on matters in connection with her branding and image,” ayon sa statement.

Napagkasunduan na rin ng dalawang kampo na hindi na magsalita ng kung ano pa man patungkol sa isyu upang hindi na magkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan.

“For now, Nadine and Viva remained committee and focused on providing quality entertainment,” dugtong pa sa naturang statement.

Matatandaang Enoro ng taong 2020 ng unang pumutok ang hidwaan ng magkabilang kampo matapos na ianunsyo ni Nadine ang termination of contract niya sa Viva.

Pahayag ni Nadine na magsi self-managed na umano siya at puputulin na ang anumang ugnayan na mayroon siya ng kaniyang talent agency na Viva.

Matapos ang pag-anunsiyo ni Nadine ng naturang balita ay nagpatuloy ang karera niya lalo na sa musika matapos niyang mag release ng kanta at album.

Sa ilalim ng Careless label ay nakapag release siya ng album niya na ‘Wildest Dreams’ noong Oktubre ng taong 2020.

Ngunit hindi pinalampas ng Viva ang pangyayaring ito at tuluyang sinampahan ng kaso si Nadine Lustre dahil sa umano’y patuloy na paglabag nito sa kaniyang kontrata.

At nito lamang Hunyo ng kasalukuyang taon ng panigan ng korte ang Viva Artist Agency at inutusan si Nadine Lustre na sundin at ipagpatuloy ang kontratang nauna na niyang pinirmahan.

Makalipas nga ang ilang buwan ay balik trabaho na si Nadine sa Viva Films, ang film production ng kaniyang talent agency, sa pelikulang ‘Greed’ kung saan makakatambal niya si Diego Loyzaga.



Viva nakipag-ayos na, Nadine Lustre mananatili sa agency hanggang 2029
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments