Viral ang tiktok video nina Karen Bordador at TJ Valderama kung saan may napansin ang netizens na pagbabago kay TJ
Viral ang tiktok video nina ex PBB Kumunity housemates na sina Karen Bordador at TJ Valderama kung saan humamig na ito ng higit sa 1.2M views.
Sa naturang video ay makikitang masayang nagsasayaw ang dalawa kung saan tinawag pa ito ni Karen bilang ‘The Karen Dance”.
Ani pa sa caption ni Karen, “TJ Valderama is super OK! Confirmed, We are doing the Karen Dance lol”. Sa kanilang sayaw ay tila tinanong ni Karen si TJ kung ok lamang ito at saka sinagot siya ng ‘Ok Ok’.
Masayang sumasayaw sina Karen at TJ sa naturang video ngunit tila may kakaibang napansin ang ilang netizens lalo na kay TJ Valderama na ani ng ilan ay malaki ang ipinayat nito, “PUMAYAT TAYO TJ AH,” kumento ng isang netizen. “pumayat si TJ.,” sabi naman ng isa pang netizen.

Ang ilan naman ay natuwa sa balitang maayos ang kalagayan ni TJ lalo pa’t isa siya sa pinaka recent na lumabas sa bahay ni Kuya ngunit tila hindi umano ito nagpaparamdam sa social media.
“thank you for giving us an update abt tj. been so curious these past weeks,” kumento ng isang netizen.
“Thanks God, okay lang po si Kuya Tj. Laban lang kuya as long as you know in yourself na dika ganung tao po,” pagtatanggol na kumento naman ng isa pa.
“Ang payat mo agad Kuya TJ.sorry kung Binash kita noon Kasi Ikaw namn we Kasi . pero now I’m sorry Kuya. I support you and ate karen.. deserveyune,” kumento naman ng isa pa na tila humingi ng sorry kay TJ.
“Iniisip ko kung kumusta ngayon si TJ after lahat ng issue sa kanya. I’m happy na okay kayooo,” kumento pa ng isa.
Matatandaang nitong nagdaang mga linggo ng opisyal ng lumabas ng bahay ni Kuya si TJ Valderama kasama pa si Karen Bordador matapos na makakuha sila ng mas mababang boto mula sa Taumbayan.

Sa paglabas ni TJ ay kinaharap niya ang nga kontrobersiyang kinabibilangan niya dahil sa pagiging malapit niya sa ilang housemates partikular na ni Shanaia Gomez.
Sa kabila naman ng paglabas niya sa bahay ni kuya ay tila minabuti na nitong manahimik na lamang at hindi na sagutin pa ang mga alesgasyong patuloy na ipinupukol sa kaniya
Lalo pang naging maingay ang paglabas ni TJ sa outside world matapos na tila magparinig ang kaniyang girlfriend na si Cherry Malaya na hihiwalayan na niya si TJ.
“Sasakay ka ba sa bangkang may butas? Sana respetuhin nyo ang desisyon ko kase buhay ko naman to. I will always choose the right things for myself whichever that may be,” bahagi pa ng tweet ni Cherry na tila pinatutungkulan ang pakikipaghiwalay kay TJ.
Hindi naman malinaw pa sa ngayon kung tunay ngang hiwalay na ang dalawa lalo pa’t walang kumpirmasyon ang magkabilang panig ukol dito.
Ito rin ang nagsilbing unang social media activity ni TJ Valderama matapos na lumabas ng bahay ni Kuya dalawang linggo na ang nakakaraan.
@karenbordador @tjvalderrama is super OK!
Confirmed! We doing the Karen dance lol. ##pbbkumunityseason10 ##pbbcelebrityedition ##fyp ##tjvalderrama ##karenbordador
Tiktok Dance nina Karen at TJ Viral!, Netizens may napansin kay TJ?
Source: Babaero Balita

Confirmed! We doing the Karen dance lol. 
0 Comments