Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Viral! isang Pari ang nag kasal sa kaniyang ex girlfriend

Viral ang YouTube vlog ng isang Pari dahil sa content nito kung saan ikinasal ang kaniyang ex girlfriend


Viral at usap-usapan ngayon ang YouTube vlog ng isang Pari na kinilalang si Father Roniel matapos na ikasal niya ang kaniyang ex girlfriend sa mapapangasawa nito.

Sa pagsisimula pa lamang ng video ay naibihagi na ni Father Roniel ang kaba niya dahil na rin sa magaganap na kasalang iyon, kaakibat pa ang title ng vlog niya na “My Ex’s Wedding”.

“Kita niyo naman po siguro ang title ng ating vlog, Kinakabahan po ako ngayon dahil alam niyo na, hindi ko alam kung ano ang mangyayari so samahan niyo po ako,” pagsisimula ni Father sa kaniyang vlog.


Sa sumunod na clip ay nagkita na nga ang Bride at si Father kung saan nagkamustahan ang dalawa, tinanong agad ni Father ang bride kung ano ang nararamdaman nito at ikakasal na ito, ani ng bride na hindi niya maramdaman tsaka sinabing sigurado naman na siya sa nararamdaman niya.

Humirit pa nga si Father at tinanong ito kung ano ang nakita niya kay Manuel (Groom) na wala siya, dahil dito ay nagtawanan silang dalawa.

Nagkuwentuhan pa ang dalawa at masayang nagtatawanan sa mga hirit ni Father sa kaniya, natawa pa nga lalo sila matapos na tila pina-aalis na ni Bride si Father.

“Bakit mo ba ako pinagtatabuyan?, ganun nga talaga dati.. pinagtabuyan mo ako, ganun po talaga ang nangyari,” natatawang biro ni Father.

“Yun ba ang sasabihin ko sa homily?, yun ang tunay na nangyari.. ako’y pinagtabuyan mo,” sunod na hirit pa ni Father na lalong ikinatawa ng Bride.

At matapos ang ilang sandali pa ay sinimulan na ni Father ang kaniyang homily para sa kasal nina Korina at Manuel, kita naman sa mga mukha ng ikakasal ang katuwaan sa nangyayari.

“Ako po ay kinakabahan dahil kami po ay may rebelasyon sa araw na ito.. Marami na po akong naikasal pero ngayon ako’y kinakabahan.. Si Korina ho ay aking Ex,” sabi ni Father at saka nagtawanan ang marami.

“Ok itigil ang Kasal.. hindi ho ako sisigaw ng ganoon.. gayunpaman past is past, iyon ho’y matagal na at ngayon naman ay may kani-kaniya na kaming buhay.

“Ako’y Pari na at ngayong araw na ito si Korina ay ikakasal na.. kanina tinatanong ko si Korina kung ikaw ba’y masaya sa araw ng iyong kasal at ang sabi niya ay masayang masaya siya,” bahagi pa ng homily ni Father.

Panoorin ang kabuuan ng vlog rito:



Viral! isang Pari ang nag kasal sa kaniyang ex girlfriend
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments