Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Juliana Parizcova may payo sa kaibigang si Brenda Mage patungkol sa bashers

Naglabas ng kaniyang saloobin si Juliana patungkol sa hate at bashing na natatanggap ng kaibigang si Brenda Mage


Sa kaniyang facebook account at naglabas ng kaniyang saloobin si Miss Q and A 1st Grand winner na si Juliana Parizcova para sa kaibigang si Brenda Mage.

Si Brenda Mage kagaya ni Juliana Parizcova ay nakilala sa hit segment ng It’s Showtime na Miss Q and A kaya naman hindi na nakakapag taka na maging malapit nanmagkaibigan sila.

Nitong mga nagdaang mga linggo lamang sa patuloy na pananatili ni Brenda Mage sa loob ng bahay ni Kuya ay patuloy na nakakatanggap siya ng pamba bash.


Dahil na rin sa tila napapansin ng mga netizens ang pagiging marites di-umano ni Brenda Mage o ang madalas na pagsabi niya ng kaniyang mga hinaing sa isang housemates sa ibang kadikit niya sa loob ng bahay ni kuya partikular na si Alexa Ilacad.

Kaya naman sa kaniyang facebook page ay naglabas ng kaniyang saloobin si Juliana Pariscova kung saan inihahayag niya na lumabas na lang ng bahay ni Kuya si Brenda.

Ani nito na lahat ay tunay na nagkakamali naman sa buhay ngunit mas makabubuting sa labas ng bahay ni Kuya na lamang linisin ni Brenda ang kaniyang imahe sa netizens.

“Brenda Mage ..Cge na lumabas kana ng bahay ni kuya. Masyado ka ng durog na durog dahil sa mga nakikita nila,” pagsisimula ni Juliana sa kaniyang pahayag.

“Bilang isang tunay na kaibigan mas gusto ko na lumabas ka para maisalba mo pa ang pangalan mo na unti unting nasisira habang nasa loob ka ng bahay.

Dito nga ay sinabi ni Juliana na mas makabubuting sa labas na ipagpatuloy ni Brenda ang pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Inamin pa nitong may mga pagkakamali ang kaniyang kaibigan ngunit nakatitiyak umano siyang sa paglabas niya ay maitatama niya ang mga pagkakamaling nagawa.

“Dito mo sa labas ipagpatuloy ang pangarap mo. Dto sa labas mo ipagpatuloy ang pagpapasaya mo. May mga pagkakamali ka pero maitatama mo lahat un kung lalabas kana at tiyak ko na sa pag labas mo maisasalba mo pa ang pangalan na matagal mong binuo, iningatan at inalagaan.

“Labas na Brends tulad ng sinasabi ko lagi sayo noon,sa isang pagkakamali mo malilimutan nila kung ilang beses mo sila napasaya..yan ang masakit na realidad ng buhay.Masakit bilang isang kaibigan na makita ung masasakit na salita na binibitawan nila sayo,pero un lang kasi ang nakikita nila.. Tandaan mo MAY KAIBIGAN KA PA RIN PAG LABAS MO,” ani Juliana.



Juliana Parizcova may payo sa kaibigang si Brenda Mage patungkol sa bashers
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments