Na secured na ng sponsors ni Vrenda Mage ang top spot upang manatili sa bahay ni kuya, samantalang nanganganib namang mapalabas si Alexa Ilacad
Sa pagpapatuloy ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 ngayong linggo ay pormal ng binuksan ang unli voting para sa Kumu ngayon linggo para sa mga nominees.
Noong Linggo ng buksan ang botohan para sa anim na mga nominado na sina Alexa, Brenda, KD, Anji, Eian ar Jordan ay nagsimula na rin ang limited voting.
Base sa naturang limited voting ay run away top 1 si Alexa upang mailigtas sa eviction mula sa iba’t-ibang boto ng iba’t-ibang netizens na sumusuporta sa kaniya.
Sa kaparehong limited voting ay tila nagkaka-isa ang netizens na sa kanilang pulso ay mas nararapat lamang na mapalabas na ng bahay si Brenda, patunay dito ang mahigit sa 3Million Diamons vote to evict na naluha niya, pinakamalaki sa kanilang anim na nominado.
Ngayong huwebes naman ay pormal na ngang binuksan ang unlimited voting sa Kumu app kung saan malayang makakaboto ang isang indibidwal base sa kung ilan ang gusto niyang votes ang ibigay.
Mula sa bottom rankings ay umakyat agad sa Top 1 si Brenda Mage ilang minuto pa lamang mula ng opisyal na buksan ang unlimited voting.
Ani ng masugid na mga tagapanood ay ang kaibigan ni Brenda Mage mula sa ibang bansa ang siyang bumoto sa kaniya at nagbagsak ng mahigit sa 16M diamonds o mahigit sa P400,000.
Mula nga sa pinaka mababa ay tila na secure agad ni Brenda Mage ang top spot upang maligtas sa eviction nang dahil sa boto ng isa sa malapit niyang kaibigan.
Samantala sa kasalukuyan naman ay tila pinapaulanan ng boto si Alexa Ilacad ng ilan sa mga netizens upang ma evict na ito sa bahay ni Kuya.
Sa kasalukuyang rankings kasi ay pumalo na sa 11Million ang votes to evict ni Alexa na napansin ng ilang taga suporta nito na nanggaling pa sa mga bagong gawang kumu accounts.
Mula sa pagiging consistent Top 1 nito mula noong linggo ay bumagsak na ang ranking niya sa ika-apat na pwesto at nanganganib na ma evict kapag nagpatuloy ang pagtaas ng kaniyang votes to evict.
Samantala nananatiling nasa red zone o 5th and 6th place sina Eian Rances at Jordan na siyang pinaka nanganganib na mapalabas sa bahay ni kuya ngayong Sabado sa double eviction ng PBB Kumunity.
Dahil sa sponsors, Alexa Ilacad nanganganib ma-evict, Brenda Mage ligtas na?
Source: Babaero Balita

0 Comments