May panibagong basher na nasupalpal si Nadine Lustre sa kaniyang twitter account
Muli na namang nang real talk si Nadine Lustre sa mga bashers niyang wala ng ibang ginawa kundi masamain ang mga nasasabi niya.
Nitong nagdaang mga araw kasi ay nanalanta ang isang super typhoon sa Visayas at Mindanao region kung saan marami ang nasalanta at na perwisyo nito.
Isa sa mga nadaan ng bagyo ay ang isla ng Siargao kung saan madalas na nakikita roon at namamalagi si Nadine Lustre nitong nagdaang mga buwan.
Sa kaniyang twitter account ay humiling ito sa kaniyang tagasunod na manalangin para sa nasalanta ng bagyo, “I’ve been frantic all day.my cortisol level hasn’t been this high in ages.I can’t even think straight.Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette,” tweet ni Nadine.

Marami ang siyang nag reply sa naturang tweet ni Nadine, at ang iba ay gumawa pa umano ng paraan upang mas makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.
“Don’t worry ma! We’re organizing a little gift giving here in palawan for 200 people nga lang kasi walang budget,” tweet na reply ng isang fan sa kaniya.
“Wag natin i “lang” thats a huge help,” reply naman muli ni Nadine na ipinararating na wag i ‘lang’ ang anumang tulong na kayang ibigay ngayong panahon.
May iba pang nagbahagi ng mga screenshots ng kanilang donasyon na ipinamahagi upang makatulong na isa isa namang pinasalamatan ni Nadine.

Ngunit dahil nasa social media tayo at isang artista ang siyang nagbahagi ng naturang tweet ay hindi talaga mawawala ang mga basher na minamasama ang mga bagay na sinasabi ng artista.
“Kunwari Typhoon Odette, Nag alala lang yan kay Christophe, Bilis maka siargao,” kumento ng isang basher kung saan tinutukoy si Christopher na rumored boyfriend ngayon ni Nadine.
“Ofcourse I’m worried + para kang tanga,” ang matapang na reply ni Nadine sa naturang tweet ng basher na sinang-ayunan naman niya dahil normal lang naman talagang maging worried para sa mga mahal sa buhay.
Agad din namang binura ng naturang twitter user ang kaniyang patutsada laban kay Nadine Lustre na tila napahiya sa sinabi niya laban sa dalaga.

Nadine Lustre muling nanupalpal ng isang basher! “Para lang tanga..”
Source: Babaero Balita

0 Comments