Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Andi ibinahagi ang mga litrato ng manalasa ang Bagyong Odette sa kanilang lugar

Andi Eigenmann nagbahagi ng updates matapos masalanta ang isla Siargao ng bagyong Odette, humingi ng panalangin para sa lahat ng nasalanta


Nitong nagdaang mga araw lamang ay dumaan ang isa sa malalakas na bagyong nanalasa sa ating bansa partikular na ang Visayas at Mindanao part.

Ang bagyong Odette na siyang nanalasa nga sa naturang lugar ay naging dahilan ng pagkasira ng ilang mga kabahayan ng ating mga kapamilya.

Ang Siargao ay kabilang sa lugar kung saan dumaan ang bagyong Odette ang siyang nagdala ng malaking pinsala sa ilang kabahayan doon.


Hindi nakaligtas ang munting tahanan o lugar na tinutuluyan ng pamilya nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na siyang labis na napinsala rin dahil sa pananalasa ng bagyong Odette, sa kanilang Instagram account ay ibinahagi ng mag partner ang ilang litrato sa kanilang lugar.

Sa kaniyang IG stories ay ibinahagi ni Andi ang video kung saan makikita ang mga nagbagsakang mga puno sa daanan patungo ng kanilang tahanan.

Sa kaniyang IG stories din ay ibinahagi naman ni Philmar ang litrato ng bahay nila ni Andi kung saan makikitang tila nasira na ang bubong ng kanilang munting bahay kubo.

“Ato Bayay (tagged Andi Eigenmann) Kinahanglan na nato mag poli nan bobong,” caption ni Philmar sa naturang IG story niya na sinasabihan si Andi na kailangan na nila ng bagong bubong.

Nagbahagi rin ng iba’t-ibang impormasyon ang mag partner sa kung ano ang nangyayari sa isla ng Siargao kung saan kabilang sila sa tumutulong sa mga nangangailangan doon.

Nauna na nga nilang naibalita na maayos naman ang kalagayan ng kanilang pamilya kaya naman handa rin silang tumulong sa mga nangangailangang taga isla.

“Please keep our island home, and the neighboring islands and provinces and all its people in your prayers. And thank you too for all the help!,” ani ni Andi na humihingi ng panalangin sa lahat para sa nasalanta ng bagyong Odette.

“Our home their isnt just our house. Our home is the island itself. Slowly we will rebuild. Slowly we will get back up again.

“It is their people that taught me the importance of working together as a community, how kindness and generosity goes a long way. How we don’t really need to have much to be so happy,” dagdag pa ni Andi.



Andi ibinahagi ang mga litrato ng manalasa ang Bagyong Odette sa kanilang lugar
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments