Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Wilbert pinuna ang pagboto ni Madam Inutz kay Brenda para maligtas?

Tila naglabas ng pagpuna niya ang manager ni madam Inutz na si Wilbert patungkol sa pagboto niya kay Brenda


Nitong araw lamang ay naganap na ang 8th Nomination night ng Pinoy Big Brother Kumunity at nakilala na ang mga nominadong maaaring mapa-alis na sa bahay ni Kuya.

Ang mga nominado nga ay sina Alexa, Anji, KD, Madam inutz at Samantha kung saan dalawa sa kanila ay lalabas na ng bahay ni kuya sa pagtatapos ng linggo.

Sa kaniyang twitter account ay tila naglabas ng saloobin niya si Wilbert Tolentino patungkol sa nangyaring nominasyon, si Wilbert ay ang manager ni Madam Inutz.


“Hindi marunong mag strategize si inutz! tungengak din. wheeeeiw! indi nga cya binigyan ni Brenda. kaya wala na! Asin nalang nga ulam ko hanggang year 2025,” tweet ni Wilbert kung saan pinuna nga niya ang pagkakaboto ni Madam Inutz kay Brenda.

Sa naganap kasing nominasyon ay mula sa tradisyunal na pagboto sa housemates na gusto na nilang lumabas ng bahay ay pabaliktad ang siyang naganap.

Bumoto ang housemates ayon sa kagustuhan nila at karapat-dapat para sa kanila na manatili pa sa loob ng bahay ni Kuya, at makapasok nga sa Big4.

Sa naganap na nominasyon ay harapan nilang ibinigay ang positibong nominasyon nila dahilan upang maging emosyonal sila dahil na rin sa mga positibong kumento ng housemates.

Ang huling nagbigay ng kaniyang boto ay si Madam Inutz kung saan ibinigay niya ang kaniyang positive two points sa kaibigang si Brenda Mage.

Dahil sa ibinigay na two points ni Madam Inutz kay Brenda ay na i tie nito ang boto kay Alyssa Valdez kung saan kapwa sila nakakuha ng 5 positive points.

Kung sa iba ibinigay ni Madam Inutz ang naturang boto niya ay marahil mag-iiba ang set of nominees, bagay na maaaring pinatutungkulan ni Wilbert sa kaniyang tweet na hindi nag strategize si Madam inutz.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na full support si Wilbert sa kaniyang alagang si Madam inutz, patunay dito ang pinakamalaking ibinagsak na diamonds niya para mailigtas si Madam noong 6th Eviction.

Nauna ng nag tweet si Wilbert na sana’y hindi ito maging nominado at nagbiro pa, “Last nomination na pala ng PBB. Baklang inutil huwag kang ma nominate ah..itlog nalang ulam ko hanggang year 2025,” tweet niya kaakibat ang ilang laughing emojis.



Wilbert pinuna ang pagboto ni Madam Inutz kay Brenda para maligtas?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments