Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Zeinab naloka sa pang a-attitude sa kaniya ni Ivana Alawi, ang ending nagtawanan sila?

Ikinabigla ni Zeinab Harake ang tila pagpapakita ng attitude ni Ivana sa kaniya, pero ano nga ba ang nangyari?


Ikana-windang ni Zeinab Harake ang na-experience niya ng makasama niya si Ivana Alawi para sa kanilang vlog collaboration sa unang pagkakataon.

Ito nga ang magsisilbing unang pagkakataon ng collaboration ng dalawang sikat na mga YouTube vlogger kaya naman labis na lamang ang excitement ni Zeinad Harake.

Ngunit sa pagsisimula pa lamang ng kanilang pagsu-shoot ay tila umiral na ang pagiging diva sa set ni Ivana Alawi matapos na mag taray siya habang papa-akyat sa kanilang venue.


Tinarayan pa nga ni Ivana ang kaniyang stylist dahil sa hindi umano maganda ang pinili nitong mga damit, sa pagsisimula ng kanilang mukbang vlog ay ipinakitang muli ni Ivana ang kaniyang pagiging attitude sa set matapos na pagalitan niya ang mga staff niya sa tila hindi magandang tanong na inihanda nila.

Nakaramdam naman si Zeinab na tila ipinagtanggol ang staff at saka na gumawa ng sariling tanong para kay Ivana, ‘Yung masaya na lang (na tanong). Kailan po magdyodyowa ang isang Ivana Alawi,” tanong nito.

Tila nagkaroon na nga ng tensyon pa ng hindi magustuhan ng road manager ni Ivana ang naturang tanong ni Zeinab at pinagsabihan siyang iwasana ng mga personal questions.

Mataray namang sinita ni Ivana ang manager niya at pinagsabihan ito dahil sa paninita niya sa kaniyang kasamang bisita na si Zeinab.

“Pasensya ka na sa mga tao ko, mga unprofessional minsan. Parang first time nila,” sabi naman ni Ivana sa tila nai-stress nang si Zeinab dahil sa kaganapan.

Lalong uminit ang tensyon nang sabihin ni Ivana na itigil na nila ang pagba vlog at i re-sched na lamang dahil sa tila wala sa mood si Zeinab sa nangyayari.

“Hindi naman sa ayaw kong mag-video. Ano lang,” naputol na saad ni Zeinab dahil sa pagsabat agad ni Ivana, “Hindi, parang kasi kanina pa eh… na parang sabi mo tapos bigla kang tumitigil,” ani Ivana.

“Kasi te, ano nga. Nagkakaron ng like halimbawa may questions akong ibibigay sa ‘yo, ang nangyayari may nagiging error. So ikaw, nagboblow up,” paliwanag ni Zeinab.

“Hindi, parang may gusto kasi akong sabihin. It’s a prank!” natatawang sabi ni Ivana sabay niyakap ang naguguluhan at nawindang na si Zeinab. Napamura pa si Zeinab matapos na malamang prank lamang pala ang lahat.

Ikinatuwa naman ni Ivana ang ipinakitang ugali ni Zeinab sa kabila ng tensyong kanilang ginawa, “Super love ka namin. At talagang nakita n’yo ang pasensya ni Zeinab na kahit nandoon na ‘yung pasensya ko, chill pa rin siya tsaka kino-comfort pa niya ako. Nakakatuwa ‘yung puso niya,” puri ni Ivana.

Panoorin ang kabuuan dito:



Zeinab naloka sa pang a-attitude sa kaniya ni Ivana Alawi, ang ending nagtawanan sila?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments