Paolo Contis sasampahan nga ba ng kaso si Xian Gaza?, Xian may mga patutsada pa!
Sa inilathalang article ng entertainment news website na Philippine Entertainment Portal ay isiniwalat nito ang di-umano’y nakatakdang gawin ng isang kilalang aktor.
Ayon sa blind item ng PEP na pinag-paplanuhan umano ng kampo ng aktor na sampahan ng kasong libel ang self proclaimed marites na si Christian Gaza.
Ayon sa kanilang report ay hindi umano ikinatuwa ng aktor ang mga tsismis na inilalabas ni Xian Gaza para sa kaniyang followers dahil walang katotohanan ang karamihan.
Hindi na umano dapat pang papatulan ng aktor ang mga tirada ni Xian Gaza ngunit napansin umano nito na patuloy na naglalabas ng nakasisirang tsismis si Xian hindi lamang sa kaniya kundi sa ibang mga artista na rin na kagaya niya’y nasisira ang imahe dahil sa mga maling tsismis.

Hindi pinangalanan ng entertainment website kung sino ang pinatutungkulan nila sa kanilang blind item ngunit pinangalanan ito mismo ni Xian Gaza.
Sa kaniyang facebook account ay ibinahagi niya mismo ang naturang blind item at tahasang pinangalan na si Paolo Contis di-umano ang tinutukoy sa blind item.
Matatandaang maka ilang beses nang nag bahagi ng iba’t-ibang chika si Xian Gaza patungkol kay Paolo Contis partikular na ang patungkol sa kanila ni Yen Santos.
Ilang beses na naglabas ng impormasyon si Xian Gaza patungkol din sa naging hiwalayan nila Paolo Contis at LJ Reyes na naging usap-usapan noon ng netizens.

Sa panibagong post pa nga ni Xian Gaza ay tila nagbahagi pa ito ng senaryo sa kung anong maaaring mangyari sa planong pagsasampa ng kaso sa kaniya ni Paolo Contis.
Sa ibibahagi ni Xian ay kung sasampahan siya ng kaso ni Paolo sa isang korte dito sa Pinas ay mapapawalang bisa lamang ito dahil wala naman siya sa Pinas ng ibahagi niya ang chika niya kay Paolo
Sa isa pang senaryo ay maaari umano siyang sampahan ng kaso ni Paolo Contis sa UAE sa pamamagitan ng Manila embassy nito ngunit mababasura lamang umano ito dahil wala siya sa UAE ng panahong ibahagi niya ang chika niya.
At magsasampa umano ng kaso si Paolo at hihingi ng milyones na danyos na ipapakamkam umano ang mga ari arian niya ngunit hindi naman nakapangalan sa kaniya ang nga property niya.
Sa huli ay tila inalaska pa niya si Paolo Contis at sinabing, “At tuluytang naubos ang pera ni Paolo kakasampa ng kaso… The End”.

Christian Gaza, sasampahan di-umano ng kaso ni Paolo Contis dahil sa tsismis nito?
Source: Babaero Balita


0 Comments