Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vilma Santos nag react sa relasyong Edu Manzano at Cherry Pie: “I am Happy”

Nagbahagi ng kaniyang opinyon si Vilma Santos Recto sa mas lumalalim na relasyon ngayon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang ina ni Luis Manzano na si Vilma Santos patungkol sa matamis na relasyon ngayon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Maka-ilang beses na ring tinanong o hiningian ng opinion niya ang Star for all season sa naturang balita at ilang beses na rin niyang tinanggihang magsalita ukol dito.

Ngunit sa latest vlog ng kaniyang anak na si Luis Manzano ay tila na corner siya nito at napilit na magsalita dahil sa kakulitang pagtatanong nito sa kaniya.


Sa naturang vlog ni Luis na may titulong ‘Luis Listens’ ay nai-guest niya ang kaniyang inang si Vilma at walang paligoy-ligoy na tinanong ang ina kung ano nga ba ang reaksyon niya sa karelasyon ngayon ng dating asawa niyang si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache.

“Alam mo, grabe ka! Ang dami daming tumatawag sa akin, nag-iinterview. Hindi ko sinasagot, anak. Sabi ko ‘I don’t want… ayokong mangiam sa issue na ‘yan,’” sagot ni Vilma.

Ipinaliwanag ni Luis na kaya niya ito naitanong sa ina ay dahil sila umano ang susunod na igi-guest niya sa kaniyang vlog, “Oh really? Oh my God that’s good to hear,” sagot ni vilma.

At matrapos nga nito ay ibinahagi na ni Star for all season Vilma Santos ang kaniyang saloobin sa dalawa at sinabing masaya siya sa kung anong relasyon mayroon ang dalawa.

“What’s important, I guess, is pwede ko lang i-share na I’m happy. I am happy. You know naman si Eduardo, your dad, and Pie is a very close friend of mine,” sagot ni Ate Vi.

“At this point in time ng buhay natin, ang pinakaimportante lang is nandidyan ang respeto at pagmamahal. So I wish them all the best,” dagdag pa ni Vilma Santos.

Matatandaang ikinasal noong 1980 sina Edu Manzano at Vilma Santos, isang taon ang nakalipas ay saka dumating ang anak nilang si Luis Manzano.

Taong 1982 naman nang naghiwalay ang dalawa.. kung saan makalipas ang sampung taon ay ikinasal naman si Vilma sa ngayo’y asawa niyang si Ralph Recto.

Samantala nitong nakaraang buwan ng kumpirmahin nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ang kanilang relasyon na nabuo umano sa set ng hit seryeng ‘Marry Me, Marry You’.



Vilma Santos nag react sa relasyong Edu Manzano at Cherry Pie: “I am Happy”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments