Sa kabila ng karamdamang iniinda ni Kris Aquino ay masaya pa rin itong nagbahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong odette
Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging malaki ang pasasalamat ng marami sa malaking tulong na ibinahagi ni Kris Aquino sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Nitong Disyembre 22 ay lumipad patungong Negros Occidental si Kris Aquino kasama ang kaniyang fiance na si ex-DILG secretary Mel Senen Sarmiento.
Ito nga ay upang magbigay tulong sa mga nasalanta ng bagyo, kasama nila si Vice President Leni Robredo sa pagbabahagi ng tulong sa ating mga kababayan.
Bago pa man mangyari ang pagbibigay tulong ni Kris sa marami ay nagpa-check up muna siya ng kaniyang kalusugan, ngunit nitong December 24 lamang lumabas ang resulta ng naturang pagpapa-check up niya at lumabas na mayroon siyang dinaramdam na sakit.

“Severe muscle spasms due to excessive exertion, associated fine postural and action tremors neuropathic or secondary muscle fatigue bukod pa sa mga rashes sa mukha at mga kamay at underweight pa,” resulta ng kaniyang check up.
Sa kabila pala ng pagiging aktibo ni Kris na tulungan ang mga kababayan ay kasalukuyan pala itong may dinaramdam na sakit sa katawan.
Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi pa niya ang resulta ng kaniyang medical check-up at ibinahagi rin ang mga pangyayari sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa kaniyang mahabang IG caption ay narito ang sinabi niya, “I am a glass half full type of person. Yes i’m bedridden & won’t get to really celebrate Noche Buena with my 2 giants & mel (it’s okay, by January 1, 2022 complete na kami with his 2 sons); ibang level yung muscle spasms ko (nonstop pins & needles- cramps na ewan na) from my neck to the base of my spine. Thank you for rushing to see me when we arrived @pianomanphil.

“Yung rashes naging malaking mga pantal na, sa mukha at braso, ang mga pasa at 1st time namin makitang ganitong klaseng manifestation ng rashes sa binti ko naman.
“Kamay na until now nanginginig pa rin, (why? ito na, BECAUSE sa kagustuhan kong ma HAPPY-yung mga talagang kailangan mapangiti kahit nu’ng moment lang na ‘yun, binuhat ko & personal na inabot to as many as I could relief bags I put in a super rush order for nakalimutan ko may autoimmune ako at ‘yung laman ng bawat supot, minimum 7-8 lbs, pero ako go lang ng go
“Until nabulong ko na kay Mel & @narsgeraldfiel na hilong-hilo at nanginginig na ko at nakakahiya kung dun pa ‘ko bumagsak.
“SALAMAT MARVIN CRUZ, for your dedication & patience sa pagkakulit ko.
“BUT everything happens as part of God’s plan … Excited ‘kong na BALITA sa partner ko sa pagtulong na si @therealangellocsin basta initiative naming dalawa na walang politician na kasama, divided by 3 na ‘yung cost. ‘Yung dating kaming dalawa, ngayon may pangatlo na. YES, mas maraming pwedeng matulungan,” sey ni Kris.
“We all know Angel had procedures for her spine in Singapore.
“As stated in my medical certificate I have many health problems. But if the need is for us to be present while goods are being distributed nagusap na kami- si Gel muna until my doctor gives me clearance, ako ‘yung on ground to coordinate, place, and pay for our share of the orders. I said, “Gel, thank God they trust us.”
“Hindi nakita sa news feeds ‘yung mukha ng tao sa KABANKALAN at HIMAMAYLAN, Negros Occidental na kahit papaano- napaligaya ko. Sample lang ‘to,” pahayag ni Kris.
Kris Aquino masayang nagbigay tulong sa nangangailangan kahit may karamdaman
Source: Babaero Balita


0 Comments