Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Brenda proud sa pagpapakatotoo niya sa bahay ni Kuya, marami umanong nai-ambag

Proud na ibinida ni Brenda Mage sa lahat na malaki ang nai-ambag niya sa loob ng bahay ni Kuya dahil sa pagpapakatotoo niya


Sa mas lalong tumitinding kaganapan sa pinag-uusapang Pinoy Big Brother Kumunity season 10 ay mas nagiging intense ang ganap dahil sa kakaunti na lamang sila.

Sa kasalukuyan ay sina Brenda, Alyssa, Samantha, Anji at Madam Inutz na lamang ang natitira kung saan dalawa sa kanila ang kikilalaning top2 upang lumaban sa susunod na bahagi ng kumpetisyon.

At sa pagpasok nga ng mga huling araw nila sa loob ng bahay ni Kuya ay dito na rin pumapasok ang mga matitinding tanong ni Kuya upang mailabas ang kanilang tunay na kulay.


Sa episode ngayong gabi ng PBB ay isa-isang tinanong ni Big Brother ang limang natitirang housemates bilang bahagi ng pang malakasang task nila para makamit ang top 2 spot, tinanong sila ni Kuya kung ano nga ba ang mga nai-ambag nila sa pananatili sa bahay ni Kuya.

Nang si Brenda na ang siyang sumagot sa tanong na ito ni Kuya ay ibinahagi nitong proud siya sa pananatili niya sa bahay ni Kuya at inaming may nai-ambag siya rito.

Ipinaliwanag nito na ang pagiging kumedyante niya ay nakapag-ambag siya ng kulay sa bahay dahil sa pagbibigay niya ng kasiyahan sa iba.

“Uhmm siguro ang masasabi kong nai-ambag ko dito sa bahay ay isa ako sa nagbibigay kulay sa bahay ni Kuya, sa character kong pagiging comedian nakapagbigay saya ako dito.

“And pagdating naman po sa teleserye ng totoong buhay ay ipinakita ko po talaga kung ano at sino ako dito, kahit pa man negative yung ugali ko o positive.

“Kahit ano pa pong kakulangan ko o flaws ko na pinakita ko at talagang naging totoo ako sa sarili ko at hindi ako naging plastic dito.

“Pagdating naman sa task kahit papano mapa weel;y task o HOH naman nabigay ko yung best ko.. yun mga nasabi ko na, maraming salamat,” ani Brenda.

Matatandaang mainit na topic ngayon sa social media ang patungkol sa ano nga ba ang naiambag nila dahil sa ito ang palaging bukambibig ni Brenda laban kina KD at Alexa.

Ani ni Brenda na wala umanong ambag sa loob ng bahay ni Kuya ang mga latest evictee na sina Alexa at KD kundi puro music at pagkanta lamang, sabi pa nito na hindi naman musical show ang PBB kaya naman pinararatangan niyang walang ambag ang dalawa.



Brenda proud sa pagpapakatotoo niya sa bahay ni Kuya, marami umanong nai-ambag
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments