Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Boy Abunda spotted kasama ang GMA artists lilipat na raw?, Ogie Diaz nag react!

Spotted kamakailan sa isang Kapuso event si Boy Abunda dahilan upang pag-usapan ng marami kung lilipat na nga ba ito.


Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging usap-usapan sa social media ang paglitaw di-umano ni Boy Abunda sa isang event kung saan naroon ang mga Kapuso artists.

Ang naturang event ay ang pag me mentor niya sa ilang piling taga GMA artist center kung saan kinuha umano siya ng GMA upang magbigay lesson sa mga ito.

Ayon sa balita ay ini hire siya ng mga taga kapuso upang magbigay lesson ng para sa personality development ng mga naturang kapuso artists, dahilan upang pagsimulan ng haka hakang lilipat na ito sa kapuso network.


Isa ito sa mga naging topic ng showbiz manager at youtube vlogger na si Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog at dito nga ay ibinahagi niya ang kaniyang opinyon patungkol sa naturang event, “anong problema kung nag-mentor si kuya Boy? Hinire ang kanyang serbisyo para sa personality development para bigyan ng lessons, orientation ang mga taga-GMA.

“Kahit ako Loi pag hinire ako ng GMA para magsalita sa kanila via zoom, why not? Kung makaka-contribute ka naman sa pagkatao ng mga batang ‘yan, e, di go. Lalo na sa panahon ngayon na ang mga artista ay madalas mong mabalitaan na may depression, anxiety, e, malay mo isa ‘yan sa tinalakay ni kuya Boy?

“Plus ‘yung kanilang career development o career path may mga katanungan sila tungkol sa industriya, e, di si kuya Boy ang makakasagot.

“Yun namang pagtataka ng iba na si kuya Boy ay nasa GMA 7 na, e, siyempre kung wala namang proyektong maibibigay ang ABS-CBN kay kuya Boy, e, siyempre alangang maghintay ng maghintay si kuya Boy, di ba? saad ni Ogie.

“Hindi natin alam baka ini-entertain na ni kuya Boy ‘yung offer o ‘yung proposal sa kanya ng GMA tulad ng nabalita dati at hindi natin masisisi si kuya Boy (dahil) kailangan niyang magtrabaho, di ba? Alam ko naiintindihan ‘yun ng ABS-CBN,” mahabang paliwanag ni Ogie.

Pag-amin pa ni Ogie na kung magkataon mang kunin din ng GMA ang serbisyo niya at wala itong ginagawa ay malugod umano niya itong tatanggapin.

“Parang ako rin ay hindi pinipigilan ng ABS-CBN kung gusto kung tumawid kung saan man TV5 o GMA pero sarili kong desisyon na huwag tumuloy sa anumang channel.

“Pag nagkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN someday ay doon ako babalik. Kung wala akong source of income, e, baka nagmamalikluhod na ako sa GMA o TV5 na bigyan naman ako ng (trabaho), e, kaso mayroon naman tayong pinagkakaabalahan eto di ba?.

“Ito na ang bagong talk show sa Youtube na kaya meron tayong YouTube channel at meron din akong one-on-one sa aking sariling channel, di ba? So, ‘yun lang ang pinagkakaabalahan at hawak ko pa ang oras ko,” paliwanag mabuti ni Ogie.



Boy Abunda spotted kasama ang GMA artists lilipat na raw?, Ogie Diaz nag react!
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments