Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Matapos suportahan noon, Wilbert nagbagsak ng BBE kay Samantha sa finals

Sa huling mga sandali ng botohan ay tila naglaglagan ang team Inutz at Team Samantha dahilan upang kapwa hindi makapasok sa Top2


Usap-usapan ngayon ang tila panlalaglag ni Wilbert Tolentino sa isa sa mga pambato niya sa PBB Kumuntiy na si Samantha Bernardo sa botohan.

Si Wilbert ay ang manager at major sponsor ni Madam Inutz pagdating sa botohan na maka-ilang beses ng naligtas sa eviction dahil sa kaniya.

Bukod kay Madam Inutz ay naging buo rin ang pagsuporta ni Wilbert sa isa pang housemate na si Samantha Bernardo, patunay dito ang ilang milyong diamonds din na binagsak niya upang maligtas din si Samantha.


Matatandaan pa ngang ilang oras bago maganap ang live show ng Pinoy Big Brother nitong sabado ng gabi ay nagbahagi pa ng kaniyang panawagan si Wilbert sa lahat ng fandom na huwag sanang i-promote o i-BBE si Madam Inutz upang makapasok na ito sa Top 2 ng patimpalak.

Ang nasabing paki-usap niya sa kaniyang twitter account ay kaniya ring binura makalipas ang ilang oras sa hindi niya ipinaliwanag na dahilan.

Ngunit mas ikinabigla ng marami ang tila panlalaglag niya sa sinuportahang si Samantha Bernardo matapos niyang magbagsak ng boto upang ma evict na ito.

Sa nalalabing ilang minuto ng botohan ay nasa pang apat na pwesto na lamang ang pinaka-pambato niyang si Madam inutz, samantalang nasa ikalawang pwesto naman si Samantha.

Sa ilang minutong bago magsara ang botohan ay nagbagsak nga ng votes to evict si Wilbert kay Samantha na tila naging malaking dahilan ng pagbagsak nito sa ikatlong pwesto lamang at hindi makapasok sa top2.

Sa pagsasara ng botohan ay tila naging malaking bahagi ng pagkatalo ni Samantha ang mga ibinagsak na votes to evict ni Wilber Tolentino.

Mahigit sa 0.07% nang boto lamang ang naging pagitan ng pumangalawa sa pwestong si Anji Salvacion kumpara sa pumangatlong pwesto na si Samantha Bernardo.

Sa kaniyang social media accounts naman ay nagsalita si Wilbert sa naging dahilan niya ng pagbabagsak ng votes ro evict kay Samantha, at sinabing may hindi pagkakaunwaan sa pagitan nila ng manager ni Sam.

“Sa mga nag tanong kung bkt ko na BBE si Sam? may agreement kami personally c Sam at ang manager nya @JamMelitante at yun ang e save ko cya til 5. ang naging negligence ay indi nya ininform sa SAMBER at SAMLY na yung 2nd spot ay mag giveway for Madam. kayo nauna bumagsak ng BBE,” ani nito at nagbahagi ng screenshots ng usapan nila ng manager ni Samantha.



Matapos suportahan noon, Wilbert nagbagsak ng BBE kay Samantha sa finals
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments