Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Wilbert may paki-usap sa ilang housemates supporters, “Ibigay nyo na kay Madam 2nd spot..”

Wilbert Tolentino nanawagan sa ilang supporters na ibigay na kay Madam Inutz ang top 2 ng PBB


Matapos ang ilang linggo mahmula ng magbukas ang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition ay nauwi na ito sa huling linggo upang makilala ang Top 2.

Kinilala ang Top Five housemates na natira sa patumpalak na sina Alyssa, Madam inutz, Brenda Mage, Samantha at Anji na naglalaban-laban para sa Top2 spot.

Ang mapipiling top 2 ay magmumula sa pinaka mataas na boto mula sa limited voting sa text votes at sa social cumunity app na Kumu mula sa votes gifts.


Kaya naman kani-kaniyang kampanya ang ilang tagahanga at masugid na suppporters ng mga natitirang housemates upang maipanalo ang slot sa kanilang paboritong housemates, kabilang na dito ang kontrobersyal na si Wilbert Tolentino na siyang manager ni madam Inutz.

Magmula ng mag-umpisa ang botohan nitong nagdaang mga araw lamang ay nanawagan na siya sa ilang tagahanga ni Madam inutz na i full support na si Madam.

Bukod pa nga rito ang pagiging full support na niya, di naman na lingid sa kaalaman ng lahat na isa siya sa may pinaka-malaking magbagsak ng diamonds para kay Madam Inutz.

“Lets bring our very own “MAMA BENTANG LIVE SELLER NG CAVITE ” to the TOP 2. wala ng unli votes pero lumalaban po cya sa voting!,” panimulang tweet ni Wilbert nitong nakaraang araw lamang.

“Sa challenge cya medyo kulelat dahil din sa edad nya indi ako ma hiya kht pa ulit ulit ko e remind dahil 12 midnyt pwede na uli mag VOTE,” buong tweet niya.

Sa isang panibagong tweet pa niya ay tila nanawagan na rin ito sa ilang tagahanga ng mga ibang housemates na tulungan si Madam inutz.

Kaakibat ng kaniyang panawagan ay ang panawagan na rin na huwag i-promote ang ‘BBE’ o ang pagboto upang i evict ang isang housemate, dahilan upang bumaba ang boto nito.

“To all Samly, KDLEX atbp. huwag po kayo mag promote ng BBE kay Madam. mali po ang pinopromote nyo. na paliwanag ko na lahat kay @s10PBB @sizzies4ever @JamMelintante.

“Paniwalaan nyo po ako at bilang negosyante indi ako mag lie. ibigay nyo na kay Madam ang 2nd spot. Please,” buong tweet na panawagan ni Wilbert na ngayon ay binura na rin niya.



Wilbert may paki-usap sa ilang housemates supporters, “Ibigay nyo na kay Madam 2nd spot..”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments