Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Dahil kay Vice Ganda, Dra. Vicki Belo natutong gumamit ng Katol?

Latest vlog ni Vice Ganda kasama si Dra. Vicki Belo kinaaliwan ng netizens


Marami ang siyang naaliw at natutuwa sa latest YouTube vlog ni It’s Showtime host at Unkabogable star Vice Ganda dahil sa kasama niya ang sikat na si Dra. Vicki Belo.

Sa naturang vlog ay ni-house raid ni Vice ang magarang bahay ni Dra. Vicki Belo na siyang pinaunlakan naman ito ni Asia’s Beauty Icon.

Sa bungad ng vlog ay ipinaliwanag ni VIce na ang iri-raid nila ay ang lumang bahay ni Dra. Belo, sa katunayan pa umano na dalawa ang bahay nito sa naturang village.


Sa pagsisimula ng kanilang pag-uusap ay nag-usap pa ang dalawa hingil sa history ng bahay ni Dra. Belo, dito ay naikwento ni Belo na ang bahay nila ay mahigit sa labing-anim na taon na. Matapos nito ay sinimulan ng libutin ng dalawa ang buong bahay, una na ang kwarto nito.

Sa paglilibot nila sa kwarto ni Belo ay nakita ni VIce ang mga ‘dirty secrets’ nito gaya na lamang ng maduming electric fan niya, tinuruan pa niya si Belo na maglinis nito.

“Binabaha ba tong lugar ninyo?, bakit ang dumi rin ng paa?,” pabirong tanong pa ni Vice dagil maging ang paa ng electric fan nila ay madumi.

Sa pagpapatuloy ay nakita ni Vice ang massage chair nito kung saan sinubukan pa niya, maging ang massage bed ay napansin din nito dahil sa pagkakaroon ng tatlong butas.

Sa paghiga higa naman ni Vice sa kama ni Dra. Belo ay nagkatawanan ang dalawa dahil sa nakita nilang tila maduming brief sa ilalim ng isang unan, na tila sinagyang ilagay upang mapagkatuwaan si Belo.

Sa pag-uusisa pa ni Vice sa mga gamit sa loob ng kwarto ni Dra. Belo ay napansin niya ang kahon ng katol kaya naman napatanong siya kung malamok ba sa bahay nito.

“Marunong ka bang gumamit nito(katol)?,” usisang tanong pa ni Vice kay Belo na sinagot naman nito ng, “It’s very simple you light up there(dulo ng katol)”.

“Di mo basta ila-light yan, paghihiwalayin mo yan, dalawang piraso yan,” hirit naman ni Vice saka hinamon si Dra. Belo na paghiwalayan ang mag-asawang katol.

Natuwa ang dalawa matapos na matagumpay na mapag-hiwalay ni Dra. Belo ang katol ng hindi ito napuputol. Matapos nito ay saka naman nila inilagay ito sa stand.

Panoorin ang kabuuan dito:



Dahil kay Vice Ganda, Dra. Vicki Belo natutong gumamit ng Katol?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments