Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Karen Davila hindi napigilang sagutin ang isang basher: “Get a life man!”

Sinagot ni Karen Davila ang isang basher na sinabing wala itong ibang ginawa sa buhay kundi mag travel lamang


Hindi napigilan ni TV Patrol anchor Karen Davila ang sarili na bweltahan ang isang netizen sa mga naging kumento nito laban sa kaniya.

Isang netizen kasi ang siyang nagkumento sa kaniyang Instagram post na inakusahan siya ng paglabas labas umano sa iba’t-ibang lugar kaya naman ito nakakuha ng covid.

Nitong mga nagdaang araw kasi ay hindi nakikita si Karen sa TV Patrol at kasalukuyang naka quarantine sa sariling bahay matapos na mag positibo sa covid.


Sa kaniyang Instagram post nga ay kinumpirma ni Karen ang pagiging postibo hindi lamang niya kundi ng buong pamilya niya. Matapos umanongmag positibo ng kaniyang anak ay agaran silang nagpa-test at nakumpirma nilang nag-positibo nga silang lahat.

Kahit pa man nag-positibo sila sa covid ay ibinahagi rin ni Karen na mild lamang ang nararamdaman nila dahil na rin sa vaccinated na silang lahat at nasa recovery process na sila agad.

“Five days ago, our family tested POSITIVE for COVID19. Our 14 yr old son Lucas first tested positive on antigen and we immediately took an RT PCR test as a family.

“Praise God our symptoms are MILD and I believe that is because we have all been vaccinated & 2 have us have had booster shots,” bahagi pa ng kaniyang IG post.

Na-pick up nga ng ilang website ang naturang post ni Karen, kung saan personal na nagkumento ito upang magpasalamat at dinagdag nga na maayos naman na ang pamilya na at nakaka recover na.

Ngunit isang netizen ang siyang nagbahagi ng kaniyang kumento at sinisi si Karen dahil sa paglabas-labas umano nito, “All she does is travel and go out with her family to Boracay.”

Ang tinutukoy nito ay ang pagbabaksayon ng pamilya ni Karen sa Boracay kung saan sila nagdiwang ng pasko kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Sinagot naman agad ni Karen ang naturang netizens at sinabing huwag gawing guilty ang mga nanay na nais lamang pasayahin ang kanilang mga anak.

‘All she does???’ Dude, I’ve been a full time working mother all my life. Don’t you dare make mothers feel guilty for wanting a vacation & wanting to spend time with their kids. Get a life man!,” buong reply ni Karen sa netizen.



Karen Davila hindi napigilang sagutin ang isang basher: “Get a life man!”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments