Umamin si Mark Anthony Dernandez na may ‘Love’ pa rin siya sa ex girlfriend na si Claudine Barretto
Sa ginanap na mediacon ng upcoming movie nilang ‘Deception’ ay napa-amin ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa nararamdaman niya sa kaniyang katambal na si Claudine Barretto.
Tinanong ng media si Mark Anthony patungkol sa kung may nararamdaman pa ba ito sa ex-girlfriend at walang pag-aalinlangang sinagot ng, “Yes! I still love Claudine”.
Sa pagsisimula ng naturang mediacon ay nagsimula munang mag kwento si Claudine lalo pa’t ito na ang big comeback niya sa showbiz world.
“No second thoughts. Tinanggap ko talaga agad. Matagal ko na kasing gustong makatrabaho si Mark at alam naman niya yun kaya nang dumating yung offer, nag-go agad ako,” ani Claudine. Dagdag pa ni Claudine na walang ilangan sa pagitan nilang dalawa habang ginagawa ang pelikula nila.

Isiniwalat pa ni Claudine na dahil nga nagkaroon silang dalawa ni Mark ng relasyon noon ay mas naging maayos ang kanilang pagtatrabaho.
“Walang ilangan. Nag-uusap kami kung anong gusto naming gawin sa scene and happy ako. Kasi, ano pa bang pwedeng hingin? Si direk Joel (Lamangan) na ‘yung direktor, tapos si Mark pa (ang kasama), so ang laki-laking pasasalamat ko sa Borracho Films at sa Viva,” pahayag ni Claudine.
Isiniwalat naman ni Mark na dream come true umano para sa kaniya ang proyektong ito lalo pa’t matagal na umano nilang pina-plano ang magkaroon ng reunion project.
“Buti ngayon, natuloy na, and natsambahan naman namin itong script na ‘to,” sabi pa ni Mark dahil hindi matuloy tuloy ang reunion project nila noon.

Naikwento naman ng dalawa na dahil sa pagbabalik tambalan nilang ito ay hindi nila maiwasang magka kwentuhan patungkol sa nakaraang relasyon nila.
Naibahagi rin nila na nagtatanungan silang dalawa sa kung ano kaya ang itsura ng kanilang mga magiging anak kung nagkatuluyan sila noon.
“Pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ‘yun? Kung anuman ‘yun. Kasi bata pa naman si boss Clau, eh. Alam mo ‘yun? Depende sa sitwasyon, alam mo ‘yun? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi?” pag-amin pa ni Mark.
Dahil dito ay na-curious ang media at diretsahang nagtanong kay Mark kung mahal pa ba niya si Claudine, “Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala ‘yung pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush.”
Matatandaang naging magkasintahan ang dalawa noong taong 1995 at nagkasama sa isang pelikula.
Mark Anthony inaming ‘Love’ pa rin niya si Claudine, handa pa itong manligaw?
Source: Babaero Balita


0 Comments