Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Markki Stroem nagsalita na patungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Marvin Agustin

Nagsalita na sa unang pagkakataon si Markki Stroem patungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Marvin Agustin


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Markki Stroem patungkol sa ilang taong usap-usapan ng netizens sa kanilang dalawa ni Marvin Agustin.

Sa nakalipas na mga taon kasi ay lumutang ang mga litrato nilang dalawa, una ay ang mga travel photos nilang dalawa kagaya na lamang noong tumungo sila ng Batangas at Japan.

Mayroon ring lumutang na mga litrato kung saan makikitang magkayakap silang nakahiga at mga walang kasuotan, hindi naman malinaw kung edited o totoo ang mga litratong iyon.


Sa radio program ng batikang showbiz columnist na si Crity Fermin ay nakapanayam niya si Markki Stroem at sinagot nga ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Marvin, “In terms of Marvin… Marvin, friend ko iyon. Hanggang ngayon, friend pa rin kami. And in my opinion…” pagsisimula ni Markki na bahagyang napatigil.

Dito nga ay nilinaw niyang lahat naman ay may karapatang maging mag-kaibigan, ganoon daw ang meron sila ni Marvin.. ‘good friends’.

“It is our world. We can be friends with whoever we want to be. And minsan we’re good friends, and minsan hindi masyadong good friends.

“Minsan hindi na kami okay. Minsan okay pa kami. In terms of relationship with different people and, in my opinion, I don’t really like to talk about my relationships with people, in general.

“Even yung girlfriends, whatever, hindi ko binabanggit ang mga pangalan ng mga naging relationships ko because it’s not my story to tell,” diretsahang sagot niya.

Matatandaan pa ngang sa mga previous interviews, ay nasabi rin nina Markki at Marvin na friendship lang ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa kaparehong panayam ay sinagot din ni Markki ang mga paratang patungkol sa kaniyang sekswalidad, “Isipin niyo na lang kung ano ang gusto niyong isipin.

“In the end of the day, wala na akong paki, to be honest, sa mga sinasabi ng mga tao. Sinasabi ko nga, kaya di ako nananalo ng award kasi sobrang straightforward akong tao, e.

“Sinasabi ko kung ano ang pumapasok sa utak ko, and sinasabi ko kung anong nararamdaman ko as a person. Kung ayaw nilang tanggapin at maniwala kung ano ako, sa kanila na lang iyon. Pero in the end of the day, I live my life so happily,” pakli pa nito.



Markki Stroem nagsalita na patungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Marvin Agustin
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments