Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Batok scene ni Sue Ramirez kay Jodi totohanan pala, “I was really scared”

Sa naganap na presscon para kay Sue Ramirez ay naikwento nito ang patungkol sa naging eksena nila ni Jodi Sta. Maria para sa The Broken Marriage Vow


Tunay na pinag-uusapan na ng netizens ang nalalapit na pag-ere ng pinakahinihintay na Pinoy adaptation ng hit british drama na ‘Doctor Foster’, ang ‘The Broken Marriage Vow’.

Sa paglabas nga ng full trailer nito kamakailan ay positibo ang naging feedback ng manonood pagdating sa acting, cinematograpy at angas na dala ng naturang trailer.

Sa ginanap na solo presscon ni Sue Ramirez bilang Lexy Lucero sa naturang serye ay masayang nag kuwento si Sue patungkol sa naging experience niya sa kaniyang role.


Sa pagbabahagi nga ng experince niya si Sue ay naibahagi rin na naging usap-usapan ng netizens ang mapangahas na pambanatok scene niya kay Jodi Sta. Maria na bahagi ng isa sa malaking confrontation scene nilang dalawa na naging highlight ng usapan ng mga netizens.

Dito nga ay nai-kwento ni Sue na nagdalawang isip pa umano siya kung magagawa ba niya ng maayos ang scene dahil nahihiya siyang masaktan niya ng totohanan si Jodi.

“Ang laki ng pressure sa akin. Batok talaga? Nakakaloka!” ang pahayag ni Sue na umaming ayaw sana niyang gawing totoo pero mismong si Jodi raw ang nagsabi sa kanya na totohanin na ang pagbatok sa kanya.

“I was really hesitant to do it. I wanted na i-jerk. Kaya naman siguro naming i-acting na lang ni Ate Jodi e pero she told me na ‘Sue, gawin mo. Gawin mo talaga. Okay lang ako,’” sabi ng aktres.

Aniya pa, “I was really scared. Ang liit kaya ng ulo ni Ate Jodi, gamunggo po siya. Konting pagkakamali, ulo ‘yun…bawal nga masahihin ‘yung batok tapos mambabatok pa ko!” 

Dagdag pa ni Sue, “Kailangan ko siya gawin kasi ginawa siya sa lahat ng versions ng ‘Doctor Foster.’ So bongga ‘yung eksena na ‘yun. Crucial siya.

“At nakuha namin in one take. Tinotoo talaga na batok. May alalay nang malala pero kinailangan talaga dumikit para maganda rin ‘yung pagkahulog ng ulo ni Ate Jodi,” kuwento pa ni Sue.

Sa pagpapatuloy pa niya ay naikwento pa niyang idol niya mula pa noon si Jodi kahit hindi pa siya artista, “Take note, first time ko siya na-meet hindi pa po ako artista. Nag-taping sila, nag-bike talaga ako dun sa location kasi gusto ko talaga siya makita. Piniktyuran ko pa siya du’n sa flip-top ko na phone.

“Kaya nakaka-overwhelm na binatukan ko na siya. Nandu’n na tayo, guys! Dati, pinipiktyuran ko lang siya, dalawa pa sila ni Thirdy (anak ni Jodi) nu’n. Ngayon nabatukan ko na siya,” buong kwento ni Sue.



Batok scene ni Sue Ramirez kay Jodi totohanan pala, “I was really scared”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments