Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

KD at Alexa, may parehong sagot sa “totropahin o jojowain” challenge

Kinakiligan ng marami ang naging kasagutan nina Alexa at KD sa tanong kung totropahin o jojowain nila ang isa’t-isa


Naging usap-usapan muli ang namuong ugnayan ng dalawang ex-housemates sa katatapos lamang na Celebrity Edition ng PBB: Kummunity Season 10 na sina Alexa Ilacad at KD Estrada.

Naging panauhin kasi ang dalawa kahapon sa “By Request: A Benefit Concert” ng ABS-CBN, ang nasabing benefit concert ay layuning makalikom ng salapi at mga donasyon para parin sa mga nasalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

Kinakiligan nina Darla Sauler at maging ni ABS-CBN Big Boss na si Cory Vidanes ang naturang panayam sa dalawa dahil sa mga sagutan nila sa isa’t-isa.


Sa panayam nga ng host na si Darla Sauler sa dalawa, sumabak sina Alexa at KD sa challenge na madalas ginagawa ng mga bloggers na “totropahin o jojowain”, o kung saan ili-label nila ang ilang malalapit o kilalang personalidad kung para sa kanila ay pang tropa o pang jowa ang mga ito.

Sa portion namang ito ay sila mismo ang subject ng kani-kaniyang tanong kung saan tila nag tugma o nagkasundo sila sa parehong sagot nila.

“Alexa’s been there for me from the start. Gets namin ang isa’t isa kasi we’re the same. If given a chance, jojowain.” Ito ang naging sagot no KD sa katanungan.

“Dahil magtropa na kami ni KD, jojowain. KD is my type,” ang walang alinlangang sagot naman ni Alexa na kinakiligan nga ni Big Boss Cory Vidanes.

Samantala sa isang panayam naman ng ABS-CBN News sa aktres, isinalarawan ni Alexa ang closeness nilang dalawa. Sinabi niya ring si KD ay isa sa “greatest takeaway” niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.

“Now I have a solid person in my life who I can really count on. It was a two-way thing. If he got strength from me, I got strength from him, too. Our bond was just so genuine.

“From the very start, we had this really, really strong connection. We are the only ones who understood each other, and who wouldn’t get tired of each other.

“Inside the house, where everything is so stressful, honestly — m*ntally, spiritually, emotionally, phys*cally, with all the challenges — it’s a giant blessing for me that KD was there. If he’s thankful for me, I’m thankful for him even more.

“It’s so rare to find someone that you just connect with, someone who gets you, and who assures you na hindi siya mapapagod sa ‘yo. Kung paano kami sa loob, ganoon din kami sa labas. We’re still looking out for each other, always kinukumusta ‘yung isa’t isa. Obviously, we really enjoy each other’s company. I’d say we’re both growing, we’re both in a really good place right now.”



KD at Alexa, may parehong sagot sa “totropahin o jojowain” challenge
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments