Patuloy na mainit na pinag-uusapan ng netizens ang mga isyu sa pagitan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz
Tunay na usap-usap magpasa-hanggang ngayon sina Francine Diaz, Andrea Brillantes at Seth Fedelin dahil na rin sa mga kaganapan sa kani-kanilang social media accounts.
Nagsimula ang lahat matapos na magbahagi ng isang fan page ni Francine ng litrato ng kaniyang pamilya kung saan makikita rito ang ka-loveteam ni Andrea na si Seth Fedelin.
Binura na rin naman ng naturang fan page ang litrato ngunit hindi ito nakaligtas sa mga mata ng marites dahilan upang maging trending topic na ito.
Matapos na lumitaw ang mga litrato ay napansin din ng netizens ang hindi pag follow ni Andrea Brillantes sa kasamahan sa gold squad group na si Francine Diaz sa Instagram account niya, bagay na labis na pinagtakahan ng mga malilikot ang isip na mga marites.

Makalipas lamang ang ilang oras ay makikitang naka follow na si Andrea Brillantes kay Francine Diaz, kaakibat naman ang new tiktok video kung saan mapapanood na tila emosyonal si Andrea.
Ilang oras lamang makalipas muli nito ay nakita na ng netizens na naka unfollow na muli si Andrea kay Francine, at sa pagkakataong ito ay maging sa Following section ni Francine ay wala na ang pangalan ni Andrea.
Hinuha tuloy ng mga netizens ay may namumuo ng alitan sa pagitan ng dalawa dahil sa mga pangyayari, ngunit sigaw ng fans ni Francine ay blinock umano ni Andrea si Francine kaya ganoon ang lumalabas sa following.
Naglabas ng mga resibo ang Francine fans kung saan patunay umano na blinock ni Andrea si Francine sa Instagram kaya naman makikitang naka unfollow o wala na sa following list ni Francine si Andrea.

Dahil sa mga pangyayari ay naging trending topic sila sa twitter na magpasa-hanggang ngayon ay nagpapalitan ng mga kuro-kuro nila ang mga netizens.
Sa mahigit walong oras mula ng ibahagi ni Andrea ang tiktok video niya ay pumalo na agad ito sa mahigit 8.3 Million views, patunay na nakatutok ang marami sa magiging susunod na kaganapan.
Wala namang mga pahayag ang bawat panig patungkol sa isyu at nananatili pa ring naka follow sina Andrea at Francine kay Seth Fedelin sa Instagram accounts nila.
Matatandaang magkakasama nga sa Gold Squad group ang tatlo kung saan ka loveteam ni Andrea si Seth samantalang ka loveteam naman ni Francine si Kyle.
Sigaw ng Francine fans, Andrea Brillantes blinock si Francine sa Instagram?
Source: Babaero Balita


0 Comments