Nilinaw ni ANgeline Quinto na hindi umano niya kagustuhang itago sa madla ang kaniyang pagbubuntis, at ang update niya sa kung sino ang ama ng kaniyang dinadala
Nakakatuwang ibinahagi ni Angeline Quinto ang kanyang update patungkol sa kanyang pagdadalang tao sa kanyang latest YouTube vlog.
Pag-amin ni Angge sa naturang vlog, marami daw ang nagbago sa kanya simula nang siya ay nabuntis. “Nagugulat rin ako sa sarili ko…
“Nawiwirduhan rin ako. Parang siguro kapag ganyan pag buntis. Hindi mo naiintindihan ‘yung mood mo,” pag-amin ni Angge bago sabihing naglilihi siya sa balut at penoy.
Nagbahagi rin si Angeline ng magiging kwarto ng kanyang anak ngunit sa dami ng kanyang ginagawa at pinagkakaabalahan ay hindi pa niya ito maipapasilip sa publiko. Nakakatawa naman ang kanyang istorya patungkol sa mga reaksyon ng mga malalapit niyang kaibigan nang malaman nilang buntis si Angge.

Noong nagkaroon daw kasi ng rehearsal para sa kanyang concert na “10 Q”, tila hindi raw talaga naniniwala sina Kyla, Yeng, at KZ.
“Kinakausap sila ng naging writer namin sa concert ko… ‘dito sa episode na ‘to na about friendship, dito natin mapapakita sa mga tao kung ano ang gender ng magiging baby ni Angge’ tapos sila KZ daw sabi ‘luh! Sabi buntis. Prank ‘yan!
“Prank ‘yan kapag si Ate Angge!’ Walang naniniwala sa kanila kaya tawang tawa ako,” natatawang kwento ni Angeline.
Nilinaw naman niyang hindi naman daw niya balak na itago ang kanyang pagbububtis ngunit ‘excited’ pa nga siyang i-kwento ito sa madla.
“Ang unang medyo nag-alala ako ay kung paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko, sa mga katrabaho ko pero ‘yung pagsasabi sa public parang hindi ko naman naisip na huwag sabihin. Actually, excited ako talaga na malaman ninyo na buntis ako,” paglilinaw ng Kapamilya star.

“Nung time na ‘yun, ayoko muna na biglang lumaki kasi may kasabihan tayo na naririnig na kapag marami na ang nakakaalam ng pagbubuntis mo, ang bilis bilis lumaki ng tyan mo.
“Naghanap lang ako ng tamang time. Naghanap ako ng tamang tyempo at pagkakataon na masabi ko sa inyo ang pagbubuntis ko,” pagpapatuloy na kwento niya.
Sinagot rin niya ang tanong kung handa raw ba siyang ipakilala sa atin ang ama ng dinadala niyang sanggol. Ipapakilala naman daw at ipapakita niya kung sino talaga ang nasa likod ng kanyang pagbubuntis.
“Darating rin naman tayo dyan. Sa ngayon, ang hihingin ko lang sa inyo ay ibigay n’yo muna sa akin ang moment na ito habang pinagbubuntis ko ‘yung magiging ko,” saad ni Angeline.
“Maniwala kayo sa akin. Hinding-hindi ko naman ‘yun ipagdadamot sa inyo dahil katulad ng sinasabi ko madalas, lahat naman ng mga espesyal na nangyayari sa akin, espesyal na mga tao sa buhay ko, talagang ipapakilala at ipapakita ko sa inyo.”
Angeline Quinto, ipapakilala na ang ama ng kanyang dinadala: “ipapakilala at ipapakita ko”
Source: Babaero Balita


0 Comments