Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Rita Avila sumagot sa patutsadang ‘bold star’ comments ng mga bashers

Sinagot ni Rita Avila ang mga kumento sa kaniya ng mga bashers patungkol sa pagiging bold star niya noon


– Nagreak ang beteranang aktres na si Rita Avila sa isang episode ng “Presidential One-on-One Interview” ng host na si Boy Abunda.

– Pinutakti ng pangbabash ang aktres matapos siyang magbigay ng personal na saloobin patungkol sa naganap na sit down interview ng kanyang sinusuportahang presidential candidate.

– Ilang online bashers ang tinawag na ‘bold star’ ang aktres, na kanya namang binigyan aral tungkol sa buhay bilang sexy star noong ’80s.I


pinaliwanag ng batikang aktres at dating sexy star na si Rita Avila sa kanyang bashers ang kaibahan ng pagiging ‘bold star’ noong ‘80s. Habang papalapit na papalapit ang halalan, marami ngayon ang tutok sa panonood ng sit-down interviews ng mga presidential candidates kabilang na ang “Presidential One-on-One Interview” ng host na si Boy Abunda.

Matapos magbigay ng kanyang sariling opinyon ang aktres sa isyu ng kung anong mas mahusay pa sanang maaaring gawin ng host sa katatapos lamang na interview nito sa isang kandidato, nakatanggap ng pangungutya ang aktres mula sa mga online bashers.

Sa kanyang bagong Instagram post, nagbigay reaksiyon ang aktres sa pagtawag sakanya bilang dating bold star.

“Laging ginagamit sa akin ng mga ‘kalaban’ ang pagiginig ‘bold star’ ko noon. Baka hindi pa buhay itong mga ito nung time ko nung mga ST Movies kaya di nila alam how far did the ‘ST Queens’ went on pagbo-bold.

“Ang panahon namin ang pinaka-tame sa mga bold stars. Puro naka-2 pc. Bra back shots. Leg shots. Halinghing lang. Walang pakita ng boobs at peps. Walang penetration dahil ibang bold era yun. May wet look era din. Pag-alis ko sa Seiko Films, medyo mas bold na ang mga pelikula nila.

“Ang mga aktres, anuman ang ginagawa nila ay mauunawaan lang nga mga tao pag sila na ang nakasalang sa harap ng kamera. Pag nagawa niyo yun, mas magkakarespeto kayo sa hirap ng trabaho namin.

“Hindi ako mangmamata ng bomba star, pene star kasi sila yun. Alam nila at kaya nila ang ginagawa nila. Parang mga prosti, mababa ang tingin ng marami kasi di sila yun. Di nila alam ang pinagdadaanan ng mga prosti para lang makapag-hanapbuhay. Kanya kanyang prinsipyo yan eh. Pero kung ang prosti ay mabait naman tapos ang ‘disenteng’ teacher ay salbahe sa yo… sino ang rerespetuhin mo? Ako ung prosting mabait. Wala sa trabaho yan eh. Nasa kalooban.” A

Ang beteranong aktres, na ang karera ay umabot na ng higit sa tatlong dekada, ay naglaan ng oras upang turuan ang kanyang mga kritiko sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanila na siya ay humarap na sa mas matindi pang pamumuna noon.

“Para sa mga trolls na mahilig magbomba EHE mambomba: Bold Star 101 para sa mga d pa pinanganak noong 1988-90s o hindi naman nakapanood ng movies namin nila Rina Reyes, Vivian Foz, Cristina Gonzales, at Gretchen Barretto.

“Kung nakapanood kayo, ang galing ng sining di ba? Ang sexy tingnan sa screen pero may mga proper covers kami sa mga dapat takpan.

“Mas malala ang mga write ups noon na iniiyakan ko pa minsan.“Para mahikayat ang manonood ay ang tindi ng mga balita. Animo’y nagpakita na kami ng kaluluwa. Hindi po.

“Sa mga nanlilibak, kasalanan nyo naman yan sa itaas.”“#boldstar #prosti #prostitute#walker (ang bagong term for prosti)”

Sa parehong post naman ay nagbahagi ang direktor na si FM Reyes ng mensahe ng suporta para sa kanyang asawa sa loob ng 19 na taon. “Asawa ko I know your worth as a good person. People in the industry who have witnessed your integrity and decency tell me how professional and good you are. I am proud of you @msritaavila.”



Rita Avila sumagot sa patutsadang ‘bold star’ comments ng mga bashers
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments