Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Carlo Aquino at girlfriend na si Trina Candaza, break na?

Usapan ng netizens ngayon ang makahulugang post ni Trina na maaaring patungkol sa hiwalayan nila ni Carlo Aquino


Tila makahulugan ang naging facebook post ng girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza ngayong araw.

Sa kaniyang facebook post ay nagbahagi ito ng makahulugang mensahe patungkol sa buhay ng mag karelasyon partikular na ang tila panloloko.

Tila may napagtanto umano si Trina sa kung ano ang tunay na worth niya bilang partner.


“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae…

“Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago,” buong post ni Trina sa kaniyang facebook page.

Hindi naman diretsahang sinabi ni Trina na ang pinatutungkulan niya ay ang relasyon nila ngayon ni Carlo Aquino, ngunit mabilis itong idinikit ng netizens sa kanilang dalawa.

Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang kumento at pinayuhan ito patungkol sa pagdedisisyon sa buhay.

“Mars hope wag kayo magdedesisyon basta basta lalo na at galit kayo sa isa’t isa ang resulta ng desisyon kapag galit ay maling desisyon na in the end may pag sisisihan kayo.alisin ang pride sa isat isa.at humingi ng Wisdom, Knowledge and understanding ky God thru prayer Love you both,” sabi ng netizen.

“I knew it! Even few weeks ago when you transferred to your condo! Know your worth Ms. Trina Candaza,” pakli naman ng isa pang netizen.

“Mag babago yan Mareng Trina Candaza pag na ngibabaw ang pag mamahal at kalimutan ang pride… Dasal lang palagi , walang impossible kay God… I love you Mare ,,” pakli naman ng isa pa.

Matatandaang nitong September 2020 lamang ng salubungin ng dalawa ang kanilang anak na si Baby Enola.

Sa isang interview pa’y ibinahagi ni Carlo Aquino na nasa plano na nilang dalawa na magpakasal ngunit hindi pa sa ngayon dahil na rin sa pandemya.



Carlo Aquino at girlfriend na si Trina Candaza, break na?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments