Gerald Anderson ibinahaging baby girl niya si Alexa Ilacad
– Sumalang sa challenge si Gerald Anderson at naitanong kung ‘totropahin’ o ‘jojowain’ niya si Alexa Ilacad
– Sinagot naman ni Gerald ang tanong at sinabing totropahin niya ang aktres dahil ‘baby girl’ pa si Alexa
– Nag-react naman sa Twitter si Alexa sa pamamagitan ng quote retweet sa sinabi ni Gerald
Kasama na rin ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa sumabak sa “Jojowain o Totropahin challenge” kasama si Jake Cuenca para sa isang fundraising show ng ABS-CBN sa sinalanta ng bagyong Odette.

Sa “By Request” benefit program ay tinanong na ang dalawa kung para sa kanila ay jojowain nila o totropahin naman ang ex PBB housemate na si Alexa Ilacad.
Sagot ng aktor, totropahin daw niya si Alexa dahil ‘baby girl’ pa ito ayon sa kanya. “Ay si Aleca, baby girl ‘yun. Tropa ‘yun si baby girl. Magaling ‘yung batang ‘yan saka napakalambing. Sobrang bait,” sagot ni Gerald.

Ayon pa sa kanya, tila mag-kuya na raw kasi ang turingan nila sa isa’t-isa dahil gumanap na rin si Alexa bilang nakababatang kapatid ni Gerald sa Kapamilya teleseryeng ‘Init Sa Magdamag’ bago siya pumasok sa PBB house.

Umabot naman ang balita sa aktres kaya naman ay napa-quote retweet ito sa video clip ni Gerald kung saan sinasagot nito ang tanong kung totropahin o jojowain nga ba niya si Alexa.
“Kuya ko!! I miss you!” saad niya sa kanyang Twitter account.

Gerald Anderson, tinawag na ‘baby’ si Alexa Ilacad; Alexa, nag-react sa sinabi ng aktor
Source: Babaero Balita


0 Comments