Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Dahil na sopla sa maling tsismis, Cristy Fermin muling tinirada si Vice Ganda

Hindi pa natatapos ang matandang tsismosang si Cristy Fermin sa paglalabas ng kaniyang galit kay Vice Ganda


Tila irita at galit na naglabas ng kaniyang saloobin ang kinikilalang queen of marites na si Cristy Fermin sa kaniyang radio program nitong nagdaang mga araw lamang.

Pinah ugatan kasi nito ang mga maling hirit ng kaniyang best friend na si Lolit Solis patungkol sa power tripping umano ni Vice Ganda sa It’s Showtime program.

Agad naman itong pinabulaanan ni Jugs Jugueta na isa sa mga co host ng programa at sinabing mali ang source ng matanda dahil masayang masaya ang pamilya nila sa show.


Matapos nito nga ay naglabas ng kaniyang saloobin si Vice na mas masaya umanong sumagap ng magagandang balita mula sa mga positibong tao kesa sa mga marites na wala ng ibang ginawa kundi ang maglabas ng mga hindi magagandang balita, nagpasalamat naman si Vice dahil sa kabila ng maraming hindi niya nagawang maganda ay ginabayan siya ng Diyos sa tama.

Wala namang ibang pangalan na nabanggit si Vice Ganda sa kaniyang mga sinabi ngunit dahil sa magandang outcome ng sinabi niya ay may isang nanggalaiti sa galit.

Tila nga nasabuyan ng malamig na tubig na naglabas ng galit niya si Cristy Fermin sa kaniyang radio program laban kay Vice Ganda at sinabing makapal ang mukha nito.

Maging ang mga Instagram posts, sweet photos nila ng boyfriend na si Ion Perez ay pinansin na rin ng matanda at sinabihan si Vice na itigil ang pag po post nito.

“Huwag kang nagiging balat sibuyas kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha mo. Nagbabalat sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang Marites pinagpipistahan ka. E bakit ka magagalit, dun lang naman sila kumukuha sa post mo?” diretsahang saad ni ‘Nay Cristy.

“Kung gaano ka kayaman, sino binilhan mo ng bahay, anong nabili mo ay kung paano kayo magmahalan ni Ion Perez.

“Anong malay ng publiko sa buhay mo? Sa ‘yo yan nanggagaling kaya huwag nagbabalat sibuyas kung kasing kapal ng kung ano anong gulay ang mukha,” tirada pa ng matanda.

“Labas siya nang labas ng ganyang mga items dahil gusto niyang maramdaman na nasa gitna pa rin siya ng entablado at siya ay kailangan pa ng publiko. Tigilan mo yan. Ang makakapagpagaling lang sa sakit [na nararamdaman] mo, ikaw mismo.

“Wala kang sakit na mararamdaman mula sa mga sa mga Marites. Ikaw ang nagbubukas ng pintuan ng buhay mo. Isarado mo yan, wala kang mababasang kahit na ano,” dagdag pa niya.



Dahil na sopla sa maling tsismis, Cristy Fermin muling tinirada si Vice Ganda
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments