May panibagong patutsada ang matandang showbiz columnist na si Lolit Solis laban kay Vice Ganda
Tila walang paki-alam ang matandang showbiz columnist na si Lolit Solis sa tila mga mali-maling balita na ibinabahagi niya sa kaniyang social media account.
Muli ay naglabas ng kaniyang pahayag si Lolit Solis laban kay Vice Ganda matapos na mabanggit ng host ang pangalan niya sa It’s Showtime.
Sinabi nito na talaga umanong ampalaya o patola sa kaniya si Vice Ganda at tila ba nais pa umano siyang pasikatin ng kumedyante.
“Talagang type ni Vice Ganda na maging patola/ampalaya sa akin, Salve. Gusto niya ako sumikat kasi binabanggit niya name ko sa Showtime, hah hah.,” tila natatawang sabi ni Lolit Solis sa kaniyang panibagong Instagram post.

Pinangaralan pa ng matanda si Vice Ganda ng gumility at sense of humor na kagaya umano ng kay Dolphy, sinabi pa nitong pikunin ang host.
“Hindi ko akalain na isang komedyante maging pikon sa konting pitik. Sabi ni Jugs hindi tutoo, eh di hindi tutoo iyon balitang powertripping, so ano problema? Dapat kay Vice Ganda makuha niya humility at sense of humor ni Dolphy.
“Si Dolphy kahit at the time na nag slide ng konti ang popularity nanatili ang love at respeto ng tao sa kanya. Pag ganyan kadali mapikon si Vice Ganda, baka pag nalaos siya ang maging reaction ng tao, buti nga, kasi pinasukan ng hangin ang ulo.”
Pinangaralan pa niya ito na dapat sa kakaonting pitik daw niya ay kalmante lamang ito at huwag maging OA ang magiging reaction.

“Sa konting pitik o issue, dapat kalmante ka lang, hindi OA sa reaction. Para bang wala ka dapat ibang opinyon kay Vice Ganda, dapat sabihin mo lang mahusay siya, popular siya, mabait siya.
“Bongga! Perfect ang dating , walang mali. Iyon kadalasan ang pinapasukan ng hangin sa ulo, pag ayaw mong pinupuna ka, ayaw mo na may nasasabi sa kilos at salita mo.
Muli ay inihayag niya na nagdududa na siya at marahil ay totoo umano ang tsismis niya. Nakakatuwang tinawag pa niyang ampalaya si Vice sa kabila ng malisyosong tsismis na nilabas niya.
“Duda tuloy ako na baka tutoo ang power tripping, dahil nakikita ko na ang sign sa pagiging pikon ni Vice Ganda. Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya, sige ka, papait sng lasa ng comedy mo, hindi na magiging katawa tawa, kasi may halo ng ampalaya at patola, magiging chopsuey na iyan, corny na, hah hah hah,” buong post ni Lolit.
May Ganun? ikaw na ang naglabas ng malisyoso at maling impormasyon ikaw pa ang nagagalit? nyeee.
Siya na ang mali, siya pa ang galit?, Lolit Solis binanatang muli si Vice Ganda
Source: Babaero Balita


0 Comments