Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Claudine Barretto ibinunyag ang pakikipag-ayos sa kapatid na si Marjorie: “may peace na”

Isiniwalat ni Claudien Barretto na nagka-ayos na silang magkakapatid


Sa ginanap na presscon para sa upcoming Viva film ni Claudine Barretto na ‘Deception’ ay nagbahagi ito ng isang magandang balita.

Ibinahagi ng aktres ang pagkaka-ayos nilang magkapatid, inamin nitong wala na silang samaan ng loob para sa isa’t-isa.

Dagdag kwento pa ni Claudine na masaya siya at nakasama pa niya ang mga ito ng i-celebrate nila ang pagpasok ng bagong taon.


Isiniwalat pa nito na nakatitiyak siyang magiging masaya ang kanilang ama ngayong masaya na sila at nagkabati na, “Yes we had a great New Year. Sinalubong namin ang bagong taon na sobra sobrang saya kasi magkakasama kami ng buong pamilya ko.

“It was such a touching experience. And nakaka-miss. Yung mga pamangkin ko nakasama ko ulit,” sagot ni Claudine sa tanong ng media.

“Si Marjorie at ako civil lang naman pero alam mong wala na, wala ng gulo. Alam mong may peace na. It was the best New Year of my life. And I saw my mom without my dad.

“I’m sure my dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat. I was just able to enjoy my nephews and my nieces again after so many years. After two years nung nagkagulo sa wake ng dad ko,” dugtong pa nito.

Matatandaang na sa mga nakalipas na taon ay nagkaroon ng alitan ang dalawa at nagsasagutan pa sila sa kani-kanilang social media accounts, ngunit ngayon nga ay nagka-ayos ayos na sila.



Claudine Barretto ibinunyag ang pakikipag-ayos sa kapatid na si Marjorie: “may peace na”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments