Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ogie Diaz kinumpirmang hiwalay na sina Barbie at Diego ayon sa source

Ayon sa sources ni Ogie Diaz ay kumpirmado na ngang hiwalay sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga


Tila kinukumpirma na nga ni Ogie Diaz ayon sa kaniyang mapagkakatiwalaang source ang paghihiwalay ng kilalang showbiz couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Matatandaang bago pa man sumapit ang bagong taon ay naging bulong-bulungan na ang di-umano’y paghihiwalay ng dalawa dahil sa kawalan ng post nila sa isa’t-isa.

Sa pagpasok kasi ng pasko ay wala man lang mensahe para sa isa’t-isa ang dalawa, bukod pa dito ay hindi sila magkasama sa mahalagang araw na iyon.


Sa pagpasok din ng bagong taon ay wala muling mensahe ang dalawa para sa isa’t-isa na kanila namang ginawa noong nakaraang bagong taon ng 2021, hindi rin muli sila magkasama upang i-celebrate ang naturang holiday bagkus magkahiwalay na nag post sila ng patungkol sa bagong taon.

Naging pulutan pa nga sila ng pambansang boy marites na si Christian Albert Gaza dahil nga sa chikang hiwalay na sila dahil sa pagiging malamig nito sa mga post nila para sa isa’t-isa.

Sa isang nagdaang interview naman ay natanong naman si Diego Loyzaga sa kung bakit hindi niya kasama si Barbie Imperial sa bakasyon niya ngayon sa amerika.

Dito ay sinabi ni Diego na naging biglaan lamang umano ang pagtungo niya sa amerika at sa tingin niya ay hindi rin naman sasama si Barbie, “I don’t think Barbie has a blue passport,” dugtong pa niya.

Naging showbiz topic naman ito ni Showbiz manager,columnist na si Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog update at naibahagi ang nalalaman niya mula sa kaniyang sources.

“Bakit may mga ‘I think’, di sila nag-usap?,” panimula ni Ogie na reaksyon niya sa naging kasagutan ni Diego patungkol sa dahilan ng hindi pagkakasama ni Barbie sa amerika.

“Diba dapat mas diretso na salita na, ‘She would like to come’ or ‘I invited her to come with me kaso she doesn’t have a visa.’ Diba dapat ganun? Bakit ‘I think she doesn’t have a passport’, ‘I think she doesn’t have a visa.’ Bakit di mo alam?,” pakli naman ni Mama Loi na kasama ni Ogie sa vlog.

“Ito lang po yung nasagap natin ano, na yung dalawa raw eh wala na. Totoo ba? Ito ay tinatanong ko ah. Kasi meron lang pong nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon, kung san na napunta… Ang sabi lang sakin ah, waley na raw.

“Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin ‘to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. Yun po yung nakarating sa akin,” buong paliwanag ni Ogie.



Ogie Diaz kinumpirmang hiwalay na sina Barbie at Diego ayon sa source
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments