Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Cristy may pa porsiyento sa relasyong Barbie at Diego, “80% ‘yung paniniwala ko..”

Nagbahagi ng kaniyang opinyon si Cristy Fermin patungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila Barbie at Diego


Sa pagpasok ng bagong taon ay pinutakte ng intriga ang showbiz couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga dahil sa kani-kanilang Instagram posts.

Ayon nga sa usapan ng mga netizens ay hiwalay na ang dalawa dahil sa wala itong recent photos na magkasama sila lalo na nitong nagdaang pasko at bagong taon.

Sa kabila nga ng intrigang ito sa dalawa ng mga marites ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa, walang kumpirmasyon o pag de deny sa magkabilang kampo hingil sa isyu.


Sa kaniyang radio program ay nagsalita ang batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin at ibinahagi nito ang nalalaman niya patungkol sa dalawa, ayon sa kaniya ay may nakapag-tanong na sa kaniya kung ano nga ba ang totoo ngunit ayaw niya umano kasing pangunahan ang dalawa.

“Hindi ko pa kasi nakakausap itong si Tong, si Teresa Loyzaga nasa Melbourne (Australia) pa siya. Alangan namang manguna ako, e, baka naman kaya lang hindi nagpo-post ‘yung dalawa dahil nasa Amerika (Diego),” pagsisimula ni Cristy.

At dito ay ibinahagi ni Cristy ang kaniyang opinyon na marahil nga ay hiwalay na ang dalawa dahil na rin sa walang update ang mga ito patungkol sa relasyon nila.

“Pero alam mo 80% percent ‘yung paniniwala ko na mukhang tapos na. Kasi kahit nasa Amerika ang lalaki o ang babae, magpo-post sila (muwestrang dalawa). Pasko hindi ka babati?” sabi ni Cristy sa partner niyang si Romel.

“Oo nga, kasi sa mga nagmamahalan tulad nga ng sinabi mo kahit malayo pa yan gagawa ng paraan at puwede silang mag-video call tapos ipo-post nila na magkasama sila kahit paano na sa video call lang,” sagot naman ni Romel.

“’Yung pagpaparamdam ng pagmamahal walang pinipiling lugar at panahon,” hirit naman agad ni Cristy.

Ito nga ang siyang matagal ng usap-usapan ng netizens ang tila walang update ang dalawa patungkol sa kanilang relasyon na malimit nilang gawin lalo na noong nakaraang taon.

Matatandaan pa nga na sinagot nila ang mga patutsada sa kanila ni Christian Albert Gaza patungkol sa isyung pagpunta umano ni Diego kay AJ Raval, na kapwa nila pinabulaanan at kasabay na kinastigo pa si Xian.

Nitong nakalipas ng mga linggo rin ay nasangkot muli sa isyu si Barbie matapos na idikit ni Xian Gaza sa magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naging tahimik si Barbie sa naturang isyu at gayundin si Diego Loyzaga, kapwa sila naging tahimik sa isyung iyon magpasa hanggang ngayong ini-isyu na silang naghiwalay na.



Cristy may pa porsiyento sa relasyong Barbie at Diego, “80% ‘yung paniniwala ko..”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments