Isyu nina Seth, Andrea at Francine nag-ugat umano noong kasagsagan ng ABS-CBN Christmas special?
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang patungkol sa Gold squad members na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin.
Ang pagkalat ng mga litrato kung saan nakasama ni Seth Fedelin ang pamilya ni Francine Diaz ang siyang pinagsimulan ng isyu na nauwi nga sa pag unfollow at pag-blocked ni Andrea kay Francine.
Sa kaniyang latest showbiz update ay nagbahagi ng kaniyang nalalaman si Ogie Diaz patungkol sa kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Seth kina Francine.
Ikinuwento ni Ogie ang naging puno’t-dulo ng pagtungo ni Seth kina Francine, naibahagi rin ni Ogie na ang tila alitan sa pagitan nina Francine at Andrea ay nagsimula pa noong Kadenang Ginto days pa lamang at sa mga nagdaang taon lamang ay naging propesyunal lamang ang dalawa.

Ayon umano sa source o kwentong nakarating kay Ogie ay mayroon palang naganap sa pagitan nina Andrea, Seth at Francine nitong nagdaang ABS-CBN Christmas special.
Ayon sa chika ni Ogie ay inimbitahan umano nang glam team si Seth upang maki join sa picture taking kasama si Francine Diaz na siyang ikinagalit umano ni Andrea.
“Totoo ba ito?, nagkaroon daw ng suguran sa dressing room?.. Sinugod daw nitong si Andrea itong si Francine,” pagku-kwento ni Ogie sa kasamahan niya sa vlog.
“Parang ayaw yata ni Blythe(Andrea) na magkakaroon ng pagkakataon makapagpa-picture yung dalawa… ang sabi sakin ng source ko e iniingatan nga kasi ni Andrea yung loveteam nila ni Seth.

“Ayaw ni Andrea na maguluhan yung mga tao sa loveteam nila, pero syempre diba kung kaibigan mo naman yung tao diba (Ok lang magpa picture) kahit di mo ka-loveteam,” dagdag ni Ogie.
Dahil daw sa pangyayaring panunugod ni Andrea kay Francine ay na off muna si Seth dahilan upang magtungo ito sa bahay nina Francine.
Nagtungo umano si Seth doon upang mag sorry ito sa nagawa ni Andrea sa kaniya noong Christmas special.
Dagdag pa ni Ogie na ayon pa sa kaniyang mga naririnig ay naging magkasintahan umano sina Seth at Andrea sa loob ng dalawang taon ngunit nag split na rin, dahilan kaya marahil ay naging malaking isyu sa kaniya ang pagpapa picture ni Francine kay Seth.
Nilinaw naman ni Ogie na hindi niya kinukumpirma ang lahat at narinig niya lamang ito sa mga malalapit kina Seth, Francine at Andrea.
Ogie Diaz, isiniwalat ang totoong dahilan ng pagpunta ni Seth sa pamilya ni Francine
Source: Babaero Balita


0 Comments