Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Former ‘PBB’ housemates KD Estarda, Albie Casiño cast for major roles in “Bola Bola”

Albie Casiño at KD Estrada pasok sa ‘Bola Bola’ series kasama si Akira at Francine


Napabilang sa major cast ng panibagong serye ang dating ‘PBB’ housemates na sina KD Estrada at Albie Casiño. Sa unang pagkakataon ay magkakasama ang dalawa sa limited series na “Bola Bola” na mapapanood sa iWantTFC.

Ito ay hango sa orihinal na titulo ng aklat na sinulat ni Anna Geronga, na ididerek ni JP Habac. Gagampanan ni Francine Diaz ang pangunahing role bilang si Thea, isang 200-pound late bloomer na mahuhulog ang loob sa malapit na kaibigan ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki.

Gagampanan ni Albie ang role bilang nakatatandang kapatid ni Francine, habang si KD naman ay bilang “long-time friend” na may lihim na pagtangi sa dalaga.


Isa si KD sa tatlong leading man ni Francine sa serye, kasama sina Akira Morishita ng boy group na BGYO fame, at Ashton Salvador ng The Squad Plus. Ang mga baguhang sina Analain Salvador and Danica Ontengco naman ang kokompleto bilang pangunahing cast.

Ang aktor na si Albie ay una ng napabilang sa cast matapos ang kanyang eviction mula sa Bahay Ni Kuya noong Nobyembre.

Nasa shooting ang aktor noon para sa bagong pelikula ni Joel Lamangan ng matanggap niya ang balitang pasok siya sa cast ng nasabing serye.“I didn’t even know!” tumatawa niyang binanggit.

“I go back to the tent, I check my phone. ‘I’m blowing up. What did I do?’ ‘Pag tingin ko, ‘Confirmed na ba ‘to?’ Tumawag ako sa manager ko, ‘Yo, they’re promoting Bola Bola.’ ‘Confirmed na.’ ‘Okay, I didn’t even know,’” paglalarawan pa niya.

Habang si KD naman ay inanunsiyong kabilang sa cast habang kasalukuyang nasa loob pa ng ‘PBB’ house. Ito ang isa sa pangunahing balitang binahagi sakanya ng kanyang pamilya paglabas niya ng “outside world.”

“It turns out [I was cast] while I was in ‘PBB.’ I got the news when I was out, but I got the role when I was in. I wasn’t aware of the project before. It’s crazy,” saad niya.

Ang “Bola Bola” ay ang unang acting project na pagsasamahan ni KD at Francine na parehong miyembro ng expansion ng “The Gold Squad,” na “The Squad Plus.”

Una ng sumabak sa pag-arte si KD bilang supporting role sa seryeng “Unloving U” na pinagbidahan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte noong nakaraang 2021.

Huli namang napanood si Albie sa primetime seryeng “Init Sa Magdamag” na nagtapos ng pag-ere noong Setyembre lamang.

“I’m excited. Actually, sa cast, wala pa akong nakakatrabaho, except KD na kasama ko sa Bahay ni Kuya.”“I love working with people for the first time talaga. ‘Pag bago talaga, mas nakaka-excite, e. Ito ang daming bago — bagong show, lahat ng artista first time ko makakatrabaho.”pagbabahagi pa ni Albie.

Nakatakda na sanang magsimula ng kanilang ‘shoot’ ang “Bola Bola” ngayong buwan ngunit pansamantala itong pinagpaliban dahil sa panibagong kaso ng covid-19. Inaasahan naman muling sisimulan ang proyekto sa kalagitnaan ng susunod na buwan.



Former ‘PBB’ housemates KD Estarda, Albie Casiño cast for major roles in “Bola Bola”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments