Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ogie ipinaliwanag ang gawain ni Vice para sa Showtime laban sa mga hirit ni Lolit Solis

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang impormasyong kaniyang nakalap patungkol sa isyung ibinabato ni Lolit Solis laban kay Vice Ganda


Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging usap-usapan ang patungkol sa naging pagpaparatang ni Lolit SOlis laban sa It’s Showtime host Vice Ganda.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolot na ayon sa kaniyang nababalitaan ay tila nagbago na umano ng pag-uugali niya si Vice Ganda sa kaniyang mga kasamahan sa Showtime.

“Balita na parang siya na ang nagpapa takbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawa ng programa,” bahagi ng pasaring ni Lolit.


“Para tumagal kayo ng gaya ng Eat Bulaga, dapat very family ang samahan nyo. Lahat masaya, lahat comfortable, walang may tampo. Dapat sincere ang samahan, walang mataas o mababa. Yuon team playing importante, may malasakit kayo sa isa’t isa,” dagdag pa nito at sinabing sana ay hindi raw totoo ang nabalitaan niya.

Matapos nito ay nagkumento naman si Jugs sa naturang post at ipinagtanggol si Vice Ganda sa mga patutsada ni Lolit, “Hanap po kayo ng bago ninyong osurce na Maritess, Tita.. Masayang masaya po kami sa Showtime ngayon, Peace be with you ang happy new year”.

Sa isa sa mga episode rin ng programa ay nagsalita si Vice Ganda ukol sa pagiging isang Marites, ani nito na kung ang kinukuhaan mo ng balita ay negatibo ay tiyak na negatibo rin ang maibabahagi mo sa iba.

Tila nga pagpaparinig niya ito sa mgha naging patutsada sa kaniya ni Lolit Solis, pagpapatunay pa nga ng iba ang labis na kasiyahan ng mga host habang ginagawa nila ang trabaho nila.

Samantala naging showbiz topic naman ito ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz youtube vlog at ibinahagi naman ito ang nalalaman niyang impormasyon patungkol sa show.

Ibinahagi ni Ogie na binigyan umano ng power ng management si Vice Ganda upang mag desisyon sa kanilang show, maging consultang sa maaaring maganap/segement o pakulo para sa ikagaganda mismo ng show.

“Pag may mga programa sila, o mga gimmick na naisip, or meron silang bagong segment na naisip. Ikokonsulta nila kay Vice. Actually ang alam ko, eh binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show, o magkonsulta sa kanya ang mga staff.

“Kasi nakakahiya naman kung kokonsulta ka sa wala namang napatunayan. Nakakahiya naman na kumonsulta ka sa hindi naman panalo sa show. So syempre, dun ka kokonsulta sa tao na una, tinitingala sa show. Pangalawa, yung source of energy sa show.

“Alam mo sa totoo lang, matalino yang baklang yan. Infernes to him ah, sa mga meeting meeting, ang dami niyang baon, ang dami niyang naibubuhos,” pagbabahagi ni Ogie.



Ogie ipinaliwanag ang gawain ni Vice para sa Showtime laban sa mga hirit ni Lolit Solis
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments