Ipinagtanggol ni Marites Cristy si Marites Lolit sa mga patutsada nito laban kay Vice Ganda
Naging usap-usapan kamakailan lamang ang naging patutsada ni Lolit Solis laban sa kapamilya It’s Showtime host na si Vice Ganda patungkol sa naturang show.
Sa kaniyang Instagram account kasi ay ibinahagi ni Lolit Solis na ayon sa nakarating na tsismis sa kaniya ay nagbago na umano ang ugali ni Vice Ganda.
Ani ni Lolit na nagpa-power trip umano si Vice sa It’s Showtime o siya umano ang nasusunod sa kung ano ang mangyayari sa programa.
Ngunit agad naman ng pinabulaanan ni Jugs ang mga nasabing paratang ni Lolit Solis laban kay Vice Ganda at sinabi nitong masaya ang pamilya nila sa Showtime, “Hanap po kayo ng bago ninyong osurce na Maritess, Tita.. Masayang masaya po kami sa Showtime ngayon, Peace be with you ang happy new year”.

Nauna na ring inihayag ng kaibigan ni Vice Ganda na isa ring showbiz chikadora na si Ogie Diaz ang nalalaman nitong tunay at binigyan naman talaga ng power ng management si Vice upang magdesisyon sa programa.
“Pag may mga programa sila, o mga gimmick na naisip, or meron silang bagong segment na naisip. Ikokonsulta nila kay Vice. Actually ang alam ko, eh binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show, o magkonsulta sa kanya ang mga staff,” bahagi ng pahayag ni Ogie.
At dahil sa nangyaring pagsasalita ni Jugs ay tila ipinagtanggol ni Cristy Fermin ang kaniyang kaibigang si Lolit Solis at sinabing marami rin siyang naririnig na ganoong balita.
“Maraming nakakarating na kwento kay Manay Lolit na gusto nga niyang isipin na hindi totoo pero ang daming nagpaparating sa kanya na marami na rin daw po ang masama ang loob kay Vice Ganda sa Showtime at hindi lamang po makapagsalita dahil alam n’yo na this,” saad ni ‘Nay Cristy.

“Sino naman ang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na nabubwisit, naiinis siya kay Vice Ganda sa Showtime?,” pagbabalik tanong ni Cristy.
“Sige nga, isa-isahin natin ang mga myembro ng noontime show kung mayroon maglalakas ng loob kahit isa lang na magsasabi na hindi na tama ang pinaggagagawa ni Vice? Gusto ba nilang mapasama sa mga kababayan nating nawawalan ng trabaho ngayong pandemya?,” paghahamon ng reyna ng marites.
Samantala sa kabila ng mga pambabato nina Lolit at Cristy kay Vice Ganda ay nananatiling masaya ang samahan ng It’s Showtime family base na rin sa araw araw na episodes nito.
“Marami akong maling nagagawa pero Lord, thank you for seeing and appreciating my intentions and for guiding me to fulfill my purpose. Maraming maraming salamat,” bahagi ng mensahi ni Vice sa isa sa mga nagdaang episode ng It’s Showtime.
Nagkampihan muli!, Cristy ipinagtanggol si Lolit sa chika nito laban kay Vice Ganda
Source: Babaero Balita


0 Comments