Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Francine Diaz: “Wala po akong boyfriend, single lady”

Sa latest vlog ni Francine Diaz ay nakasama niya si Jake Ejercito kung saan naibahagi niyang wala siyang boyfriend


Sa latest youtube vlog ni Francine Diaz ay ibinahagi nito ang nakakatuwang interview niya sa kaibigang si Jake Ejercito at sumabak sa Game of Phones.

Sa naturang challenge kung saan gamit ang kani-kanilang sariling telepono ay sasagutin nila ang mga katanungang makikita ang sagot sa kanilang phones.

Sa pagsisimula ng kanilang vlog ay ang mga malimit na tanungan kagaya na lamang ng “Last person you called”, “Last person you text” ang kanilang sinagot.


Sa sumunod na challenge ay dapat na ipakita nila ang ika-sampung litrato mula sa kanilang gallery, mabilis namang ipinakita ni Francine ang sa kaniya kung saan isa itong scenery o lugar. Hindi naman naipakita ni Jake ang sa kaniya dahil screenshot ito ng patungkol sa politics.

Sa sumunod na task ay napuno sila ng tawanan dahil sa recent deleted post ang hinihingi ng challenge, ang ipinakita no Francine ay isang litrato ng selfie na tila nagkamali lamang siya sa pagkuha.

Ibinahagi naman ni Jake ay ang litrato ni Ellie, na kaniyang anak, kasama si Hidiliyn Diaz. Agad namang sinabi ni Francine na pinsan niya si Hidilyn na ikinagulat ni Jake na natawa na lamang ng sabihin ni Francine na joke lamang ito.

Ang sumunod naman ay ang blocked accounts sa IG kung saan ipinasilip nina Francine at Jake na ang mga blinocked nila ay mga trolls, spammer at bashers.

Sa tanong na sino ang huling naka facetime nila ay ibinahagi ni Jake na ang anak niyang si Ellie ang huling naka facetime niya, samantalang si Francine naman ay ang kaibigang si Ashley.

“Si Ashley, ‘wag kayong palilinlang with tatlong hearts (Indicating the name of account) pero si Ashley ‘yan. Tawagan ko po, gusto n’yo?” pagpapaliwanag pa ni Francine.

Tinawagan ni Francine si Ashley ngunit hindi iro sumasagot kaya naman agad siyang kinantiyawan ni Jake na tila tinutukso-tukso pa.

“Nako.. nako… nako..,” kantiyaw ni Jake kay Francine.

“Ashley po talaga (ito) promise, wala po akong boyfriend.. wala po single, I’m a single lady,” pagpapaliwanag pa ni Francine at saka nagtawanan sila ni Jake.

Matatandaang nitong mga nagdaang mga araw lamang ay naging bahagi ng malaking isyu si Francine kabilang na ang mga naging kasamahan sa Gold Squad na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Watch the Full vlog here:



Francine Diaz: “Wala po akong boyfriend, single lady”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments