Si Jodi Sta. Maria na nga ba ang paboritong artista ng management?
Ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria na nga ba ang pinaka-paboritong artista ng kapamilya network dahil sa pagkakasunod-sunod ng kaniyang mga proyekto?
Kahit nawalan na ng prangkisa ang ABS-CBN at nagkaroon ng pandemya, nagkaroon pa rin kasi si Jodi ng trabaho sa istasyon.
Kabilang rito ang hit Kapamilya teleserye na ‘Ang Sa Iyo ay Akin’ na ipinalabas noong nakaraang taon na umani ng papuri at kasalukuyang mapapanood rin sa Netflix.
Ngayong taon naman ay nakahanda nang pang-gigilan ang inaabangang Philippine adaptation ng ‘Doctor Foster’ na ‘The Broken Marriage Vow’. Kaya naman hindi napigilan ng netizens na isiping siya nga ang paborito ng istasyon dahil tuloy-tuloy pa rin ang paggawa niya ng teleserye kahit tuloy-tuloy pa rin ang pagbabagong takbo ng entertainment industry.

Kaya naman nang tanungin ang aktres sa isyung ito at kung anong naramdaman niya nang marinig ang balita sa virtual presscon ng ‘Broken Vow’, may sagot si Jodi na paglilinaw na rin para sa lahat.
Sa tingin naman daw niya ay pantay-pantay ang tingin sa kanila ng network at marahil ay nagkataon lamang na nagkasunod-sunod ang proyekto niya.
“Grabe naman. Nagkataon lang siguro na nagkasunod-sunod. I think we are all treated naman fairly sa station. Marami ring tao siguro, maaaring lumipat o maaaring ayaw muna magtrabaho.
“Natatakot dahil may pandemic.” saad ng kapamilya star. “So, may mga tao naman na willing mag-work so nagkataon lang na ganu’n siya. Hindi dahil sa favoritism,” paglilinaw niyang muli.

Tila pangarap na natupad naman daw ang pagpo-portray niya bilang si Jill Ilustre dahil isa rin sa pangarap niya ang maging isang doktor.
“I’m actually grateful na hindi man ako doktor sa totoong buhay, kahit papaano naisabuhay ko ‘yung isang pangarap na mayroon ako.
“If there’s one thing na similar kami ni doktora Jill, when we put in a situation kung saan medyo difficult, we try as much as possible to stay calm and collected. Para maging logical as much as possible.” pag-amin niya.
Mapapanood na ang The Broken Marriage Vow simula ngayon January 24 na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at may advance viewing of episodes sa iWant TFC at Viu simula January 22.
Jodi sa mga nagsasabing paborito siya ng ABS-CBN: “Grabe naman….”
Source: Babaero Balita


0 Comments