Sa kabila ng mga espekulasyong hiwalay na ang aktor na si Carlo Aquino sa ina ng kanyang anak na si Trina Candaza, patay malisya lamang itong nagbaha
Sa kabila ng mga espekulasyong hiwalay na ang aktor na si Carlo Aquino sa ina ng kanyang anak na si Trina Candaza, patay malisya lamang itong nagbahagi ng isang song cover sa kanyang Tiktok account.
@carlojoseaquino Paraluman by Adie cover
Di parin nakaligtas sa mga nag-uusisang netizens sa kanyang song cover ng sikat na kantang ‘Paraluman’ ang batikang actor na si Carlo Aquino tungkol sa bali-balitang hiwalay na ito sa kinakasamang si Trina Candaza, matapos niya itong ibahagi sa kanyang Tiktok account.

Kamakailan lamang ay naging matunog ang isyu matapos ang sunod-sunod na cryptic post ni Trina sa kanyang social media accounts.
“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya ‘pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae…Wag na kayo umasang [magbabago] pa ‘yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na [‘yan magbabago],” saad nito sa kanyang Facebook post. Nasundan pa ito ng iba pang crypctic post maging sa kanyang Tiktok at Instagram account.
Nananatili namang tikom ang bibig ng aktor patungkol sa isyu. Wala parin itong inilalabas na pahayag ng pag-amin man o pagtanggi.
Samantala, sa bagong vlog naman ni Trina ay ibinahagi nito na lumipat na sila sa bagong tirahan malapit sa kanyang pinapasukang eskwelahan kasama ang anak na si Enola Mithi.
“Hi everyone. Obviously we moved to a new home. Bago na yung tinitirahan namin. Dito ko pinili kasi if ever na mag face-to-face, at least malapit na ako sa school and mabilis ako makakauwi kay Mithi,” bungad nito.
Hindi naman nito binanggit ang pangalan ni Carlo kaya hindi malinaw kung kasama ba nilang lumipat ang aktor.

Ayon kay Candaza, ni-record niya ang video para lang mai-share sa kanyang followers ang kanyang mga bagong binili para sa kanilang bagong tahanan.
“This vlog is about budol. Gusto ko ipakita sa inyo yung mga purchases ko kasi sa pag-move out and pag-move in namin dito, bumili rin ako ng mga gamit sa house. Marami din akong na-discover na products. Gusto ko i-share sa inyo yung mga good buys ko.”
Noong Enero 2019 nang lumabas sa social media ang mga ulat tungkol sa pakikipag-date ni Aquino kay Candaza, kahit na noong panahong iyon ay romantikong nili-link siya sa dating kasintahang si Angelica Panganiban.
Setyembre ng kaparehong taon ding, nag-post ang beteranong aktor ng larawan kasama si Candaza na lalong nagpatibay sa mga tsismis na sila ay magkarelasyon.
Makalipas naman ang isang taon ay sinalubong ng dalawa ang kanilang unang anak na si Mithi.
Carlo Aquino kumanta sa Tiktok, kibit balikat sa isyung hiwalayan
Source: Babaero Balita


0 Comments