Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kristine Hermosa, nag walk out pala noon sa Marriage Proposal ni Oyo?

Naibahagi ng mag-asawang Kristine at Oyo ang nakakatawang pangyayari noong nag propose si Oyo kay Kristine


Sa latest vlog ni Toni Gonzaga ay naging panauhin niya ang mag-asawang sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto kung saan na interview niya ang mga ito.

Naikwento ng dalawa ang patungkol sa kanilang pagsisimula bilang magkaibigan, magkasintahan at ngayon nga ay mag-asawa na.

Nag simula ang lahat ng magkasama sila sa pelikulang Enteng Kabisote kung saan gumanap na Ina ni Oyo si Kristine Hermosa.


Sa pagsasama nila sa ikatlong pelikula ng Enteng ay naging malapit na umano sila sa isa’t-isa, nagkaka-kuwentuhan na sila ng mga personal na bagay kagaya na lamang ng pagbibigay payo ni Oyo kay Kristine sa kasagsagan ng pagiging broken-hearted nito.

Napag-usapan din nila ang patungkol sa proposal na ginawa noon ni Oyo kay Kristine noong taong 2009 sa kabila ng hindi pa sila mag-on.

Ibinahagi ni Oyo na hindi niya umanong nakikitang magpakasal pa lalo pa’t 27 pa lamang siya at nais umano niyang makagawa pa ng mga pelikula.

Sa araw mismo ng kaarawan ni Kristine napag desisyunan ni Oyo na mag propose dito habang nagkakaroon sila ng bible study ng mga kaibigan at kamag-anak.

“Isang araw nagising ako malapit na mag birthday niya (Kristine) non, parang may bumulong sa akin.. mag propose ka na.. so sabi ko magpo-propose na ako.

“Nung time na yun nagpapagawa na ako ng engagement ring niya.. nung dala dala ko na at the small group nung nag bible study kami… pero hindi pa talaga ako sure, basta dala ko lang.

“Walang idea mga pinsan ko nun.. habang nagba bible study kami… nagtanong si pastor ano gagawin namin kasi birthday ni Kristine, sabi ko magpo propose ako kay Tin (Wala pa si Tin nun).”

Nagbigay umano si Oyo ng speech kay Kristine ng dumating ito at saka nag propose, ngunit dahil na rin umano sa gulat ay napatakbo si Kristine at nagtago.

Nabigla umano si Kristine dahil wala naman silang label ni Oyo ng mga panahon na iyon, ilang minuto ang lumipas at bumalik raw si Kristine kay Oyo at saka lakas loob na sinagot ng Yes ang tanong ni Oyo.

Panoorin ang kabuuan dito:



Kristine Hermosa, nag walk out pala noon sa Marriage Proposal ni Oyo?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments