Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Enchong Dee, nakapag piyansa sa kasong cyber libel na isinampa sa kaniya

Pansamantalang nakalaya si Enchong Dee matapos nitong mag bail para sa kasong isinampa sa kaniya ni Dumper Rep. Claudine Bautista


Ginulat kagabi ang social media ng balitang pagsuko o ang pag boluntaryong pagpunta ni Kapamilya actor Enchong Dee sa kapulisan para sa kasong kinakaharap niya.

Personal itong nagpunta at sumuko sa NBI kahapon January 31 na siyang ikinagulat ng marami, at ang iba naman ay ikinatuwa ang katapangang ipinakita nito na harapin ang kaso niya.

Ito’y para sa P1 billion-cyber libel na isinampa ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Rep. Claudine Bautista-Lim noong Agosto, 2021.


Ayon sa balita ay kahapon nga ay nakadetine si Enchong Dee matapos ang pagsuko niya dakong hapon, at inasikaso ang mga dapat na isumite.

Dakong ika-siyam ng gabi naman ng pansamantala siyang nakalaya matapos na mag piyansa siya.

Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Enchong Dee patungkol sa naturang kaso na kaniyang kinakaharap sa kasalukuyan.

Matatandaan ngang nakapaglabas ng kaniyang saloobin si Enchong patungkol sa naging magarbong kasal ni Dumper Representative Claudine Bautista- Lim.

Sa kabila kasi umano ng paghihirap na tinatamasang kahirapan ng mga jeepney driver sa gitna ng pandemya ay nagawa ni Bautista na makasal ng engrade.

Dahil sa nasabing ito ni Enchong ay hindi ito nagustuhan ng pamilya ni Bautista at sinampahan nga ng kasong cyber libel at humihingi ng mahigit sa P1Billion na danyos dahil sa nasirang reputasyon umano ni Rep. Claudine Bautista.



Enchong Dee, nakapag piyansa sa kasong cyber libel na isinampa sa kaniya
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments