Nagbigay ng nakakaantig na mensahe si Alyssa Valdez sa kanyang dating kasamahan na si Anji Alvacion sa ‘Pinoy Big Brother: Kummunity Season 10.’
Nagbigay ng nakakaantig na mensahe si Alyssa Valdez sa kanyang dating kasamahan na si Anji Alvacion sa ‘Pinoy Big Brother: Kummunity Season 10.’

“I’m so, so proud of you.”
Ito ang nakakaantig na katagang iniwan ng sikat na Pinay volleyball player ng hingan ng mensahe sa kanyang kapwa ‘Pinoy Big Brother: Kummunity Season 10’ housemate na si Anji Salvacion sa isang episode ng Magandang Buhay.
Sabay na nag ‘temporary exit’ ang dalawa matapos hirangin bilang top two celebrity winners sa pinakabagong edisyon ng reality show noong January 2.
“Hello Anji, I am so, so proud of you. Sa lahat ng pinagdaanan natin sa loob ng Bahay ni Kuya, nakita ko kung gaano ka katibay and gaano ka ka-strong as a person. Dahil doon, proud na proud ako sa iyo,” sambit ni Alyssa kay Anji.
Tiniyak din ng volleyball star na lagi niyang susuportahan si Anji.
“Just continue to be the curious girl, the curious lady na nakilala namin. Kahit anong tanong, nandito lang si Ate Alyssa para sagutin ‘yan. Lagi mong tatandaan, nandito lang kami para sa iyo, supporting you and cheering for you. I love you Anji!” dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman dalaga sa pagiging ‘big sister’ ni Alyssa sakanya at maging sa iba pang nakababatang housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.
“I just want you to know that I will always be here for you… Just know na I will be there for you no matter what. I love you, ate Ly. See you soon,” dagdag pa ni Anji.
Anji Salvacion, nakatanggap ng nakakaantig na mensahe mula kay Alyssa Valdez: “Proud of you”
Source: Babaero Balita


0 Comments