Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ogie Diaz humingi ng paumanhin kay Angeline Quinto

Humingi ng paumanhin si Ogie Diaz kay Angeline dahil sa naging scoop niya noong nakaraang taon tungkol sa kaniyang anak


Sa kanilang Youtube vlog ay nagbahagi ng kanilang opinyon ang mga showbiz chikadora na sina Ogie Diaz at ang partner nito na si Mama Loi sa naganap na gender reveal ng anak ni Angeline Quinto.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Angeline Quinto ang magandang balita ng kasarian ng kaniyang unang anak sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

At masaya nitong ibinalita na lalaki ang gender ng kaniyang unang anak kung saan kasama pa niya sa naturang gender reveal party ang kaibigang si Vice Ganda.


Naging topic nga ito ng magkumareng sina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang YouTube showbiz vlog kung saan napag usapan din nila ang noo’y naging pahapyaw na pagsasabi ni Ogie Diaz ng kaniyang nalalaman patungkol sa pagdadalang tao ni Angeline batay na rin sa kaniyang source.

Dito nga ay pabirong sinabi ni Mama Loi na baka sa susunod ay kay Mama Ogie na manghingi ng mga impormasyon ang netizens dahil sa pagiging legit ng mga chika nito.

“Nako nay, alam mo, parang yung mga tao, sayo na hihingi ng prediction taon taon. Kasi ang galing galing mo eh, diba dati mo pa sinabi na lalaki ang magiging anak ni Angeline Quinto,” sabi pa ni Mama Loi.

Ibinahagi naman ni Ogie Diaz ang kaniyang kasiyahan na makitang mukhang malusog at maayos naman si Angeline at nakatitiyak siyang malusog ang bata kapag ito ay lumabas.

“Tayo naman ay tuwang tuwa para kay Angeline dahil habang siya ay nagbubuntis, mukha namang malusog ang bata at mukhang masayang bata ang kanyang isisilang,” ani Ogie.

At dito nga ay kumuha na ng pagkakataon si Ogie Diaz upang humingi ng paumanhin kay Angeline Quinto dahil sa ini reveal na niya nakaraan ang gender ng anak nito.

“Gusto ko lang pala humingi ng sorry kay Angeline. Eh nauna tayong mag-gender reveal,” paghihingi ng paumanhin ni Ogie sa kapamilya singer na si Angeline Quinto.

Matatandaan nga nagdaang unang linggo ng Disyembre nang nakaraang taon ng ibinalita ni Ogie Diaz na kumpirmado nga ang pagdadalang tao ni Kapamilya singer Angeline Quinto.

Sa nasabing showbiz report din niya ay ibinahagi nitong limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Angeline at ayon sa kaniyang mapagkakatiwalaang source ay lalaki ang anak na ito ni Angeline.



Ogie Diaz humingi ng paumanhin kay Angeline Quinto
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments