Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Melai Cantiveros ipapahanap sa NBI ang isang basher na nilait ang kaniyang anak?

Hindi pinalagpas ni Melai ang isang basher na nilait ang kaniyang anak


Tila hindi na nagpatinag pa at naglabas na ng kaniyang galit ang kapamilya host at comediane na si Melai Cantiveros sa isang basher na nagkumento sa kaniya.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Melai ang kumento ng isang basher na tila pinuna ang kaniyang pag-si ship umano kina Kyle at Chie.

Bukod sa pamumunang ginawa ng basher ay idinamay pa nito ang nananahimik namang anak ni Melai at nagbahagi ng hindi kaaya-ayang salita ng panlalait.


Sa ibinahagi ngang litrato ni Melai ay mababasa ang sinabi ng basher na, “Epal mo din e ano. Wag mo i ship si Kyle kay Chie anak mo nga ang pangit,” kumento ng basher na ni reply-an ni Melai ng, “humanda ka papahanap kita dedemanda kita,” na kakikitaan ng galit dahil sa pandadamay sa kaniyang anak.

“Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa nbi ang account mu mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mu sa anak ko , ako sabihan mu ok lang wag ang anak ko , kahit itlog ka kahit magdeactivate ka , alam ko fans ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita,” caption ni Melai sa naturang post niya.

Nagkumento rin ang ilang malalapit na kaibigan ni Melai sa naturang post niya at sumang ayon sa nais na gawin nito, “Dapat lang yan sa mga ganiyang tao te Mels,” ani Karen Reyes.

“Aaaay hindi makatarungan yan.. bigyan ng leksyon yan memsh,” kumento naman ni Juliana Parizcova. “Nakakaloka yan ha! Pahanap natin yan,” pakli naman ni Darla.

Sa sumunod na Instagram post muli ni Melai ay nagbigay ito ng update sa naturang basher at ibinahagi nito ang naging pag-uusap nilang dalawa.

Tila nga gumawa pa ng kwento ang naturang basher at sinabing hindi umano siya ang nagkumento niyon, ngunit humingi rin ng tawad kalaunan.

“Itu na nga closure ng Basher Serye ng hapon ko ngayun , nareach out nmn cya at marami sinasabi , na hindi nmn ako maniwala na hindi cya nagcomment nun.

“Pero xmpre sinu ba ako para di mapakinggan ang side nya at di cya mapatawad ,hayan maging lesson yan na wag basta magpadala sa feelings tapos pipindut nalang na di inaalam kng may mahuhurt kaba na damdamin.

“Matuto tayu Rumespeto ng tao , Respeto is the key para sa matiwasay na buhay , kng di mu gustu ang sinasabi ng ibang tao Irespeto mu, and lets mind our own business at last magpatawad at magmahalan. and kay bebegirl @francinesdiaz pasencya kana bebe at nadamay name mu dtu at alam kung maiintindihan mu nmn kng saan itu nangagaling ❤❤❤#respect #forgive #waganakko,” ang nasabi na lamang ni Momshie Melai.



Melai Cantiveros ipapahanap sa NBI ang isang basher na nilait ang kaniyang anak?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments