Ibinahagi ni Janella Salvador na nagkaroon siya ng trauma sa nakaraang relationship niya
Sa latest Youtube vlog ng showbiz manager na si Ogie Diaz ay pinaunlakan siya ni kapamilya actress Janella Salvador sa isang one on one interview.
Dito ay napag-usapan nila ang patungkol sa buhay ngayon ni Janella Salvador at maging ang nakaraan nito partikular na ang naging past relationships niya.
Napag-usapan nga nilang dalawa ang past relationship ni Janella at naitanong ni Ogie kung bakit tila hindi mabanggit ni Janella ang patungkol dito.
“Napanood ko kay Doc Vicki Belo na ayaw mong banggitin yung past relationship mo, the name, trauma sayo?,” pang-uusisa ni Ogie. At walang pag aalinlangang sinagot ito ni Janella at inaming meron ngang trauma para sa kaniya ang naturang past relationship niya.

“Meron. May trauma siyang nadulot sakin. Na-forgive ko naman na. Ako as a person, mabilis ako mag-forgive. Hindi ako nagho-hold ng grudges kasi ako, gusto ko peaceful tayo,” sagot niya.
Isiniwalat din ni Janella na sa kabila ng pagpapatawad niya rito ay hindi umano sila nagkaroon ng maayos na closure at pinili na lamang niyang i let go ang lahat.
“Pero closure, hindi kami nagkaroon ng closure.. I just chose to.. okay na. Let go ko na,” pag-amon nito kay Ogie Diaz.
“Lalo na’t lumabas yung mga isyu na hindi maganda, nagkaroon ng pisikalan. Yun yung trauma sayo?,” sambit at balik tanong ni Ogie matapos niyang marinig ang paliwanag ni Janella.

“Actually, ang naging trauma sa akin, hindi yung physical part. Actually, I’ve never talked about this, I won’t go into detail na lang pero yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men.
“Yun yung naging trauma ko. Pag lalaki, tapos lasing, tapos wala sa sarili, dun ako na-trauma. Alam ni Markus yun,” paglalahad pa ni Janella.
Dahil dito ay nabahagi ni Janella na winu work out nilang dalawa ni Markus ang nasabing trauma niya lalo pa’t mas bata sa kaniya si Markus at hindi naman umano maiiwasan ang naturang pag-iinom.
Dagdag pa ni Janella na bukas sila ni Markus sa isa’t-isa sa naturang usapin at nakikita niya umanong tina try ni Markus ang lahat.
“I will try my best to be by his side as much as posssible. Pero I love myself gindi ako magpapaka martyr. Pero alam n’ya yun. Mahal ko siya. Pero hindi ako magpapaka martyr syempre,” sagot niya nang tanungin ko hindi niya ba susukuan si Markus.
Janella Salvador ibinunyag na na-trauma umano siya sa dating karelasyon
Source: Babaero Balita


0 Comments