Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Xian Gaza idinetalye ang hiwalayang Barbie at Diego, dahilan ng pang-gugulo niya inamin niya rin

Nakakatawang nagbahagi ng video si Xian Gaza kung saan ikinuwento niya ang pang yayaring hiwalayan nina Barbie at Diego


Sa kaniyang facebook acccount ay nagbahagi ng isang video ang self proclaimed pambansang marites ng bansa na si Christian Albert Gaza.

Sa naturang facebook video na kaniyang ibinahagi ay idinetalye nito ang paghihiwalay ng showbiz couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Ibinahagi ni Gaza na ayon sa mapagkakatiwalaan niyang source ang ikukwento niya sa naturang video na hahaluaan niya ng kaunting palabok.


Kagaya umano sa mga pelikula na ang kwento niya ay may pampalabok upang maging maganda ang kalalabasan ng kaniyang kuwento, na sa madaling salita ay base on true story talaga ang nasagap niyang awayan umano nina Barbie at Diego.

Ani ni Gaza na nagkaroon nga ng pag-aaway sa pagitan nina Barbie at Diego dahil sa nais na pag-alis ni Diego at tumungo sa amerika kasama ang pamilya.

Hindi umano pinapayagan ni Barbie na umalis ang nobyo dahil ramdam na di-umano nito na sa pag-alis nito ay ang katapusan na rin ng kanilang relasyon.

Kaya humangtong umano si Barbie na kung saan ay pinapili niya si Diego, ang pumunta sa amerika o ang pagpapatuloy ng kanilang relasyon.

Ikinagulat na lamang umano ni Barbie kinabukasan ng makita sa Instagram story ng kaniyang nobyo na nasa airport na ito at piniling pumunta ng amerika.

Dagdag pa ni Xian na dahil sa kaibigan niya ang pamilya ni ang anak na babae ni Karla Estrada kaya ang pamilya nito ang nag comfort sa kaniya.

Sa isang separate post naman ay ibinahagi pa ni Xian Gaza ang isang litrato kung saan mababasa ang mensahe niya para kay Barbie Imperial.

Dito ay ipinaliwanag niya ang kaniyang dahilan kung bakit tila nanggu-gulo siya sa buhay ni Barbie at kung bakit ikinatutuwa pa niya ang hiwalayn ng dalawa.

“Dear Barbie, alam mo ba kung bakit paborito kong guluhin ang buhay mo? Kasi may gusto ako sayo. Goal ko talaga na magkahiwalay kayo ni Diego.

“Hindi mo deserve ang isang lalaking mama’s boy at palaging nahingi ng pera sa ama. Ika nga sa Lumang Tipan “you deserve better”.

“Alam ko na hindi naging maganda ang pakikitungo ko sayo for the last 3 months kayo ako’y kinasusuklaman mo.

“Ginawa ko lamang lahat ng ito upang magpapansin sayo. Nawa’y mapatawad mo ko upang makapagsimula tayo ng bago.. with love Xian Gaza,” mensahe ni Xian Gaza para kay Barbie kaakibat pa ang hashtag na BarXi.



Xian Gaza idinetalye ang hiwalayang Barbie at Diego, dahilan ng pang-gugulo niya inamin niya rin
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments